• Home
  • Fresh Scoops
  • Sam Milby believes being jealous is a natural part of a relationship

Sam Milby believes being jealous is a natural part of a relationship

Sam Milby talks about his relationship with Mari Jasmine and why he wants to keep it private.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/26/2016 10:29 AM
Sam Milby believes being jealous is a natural part of a relationship


082616-samm_main.jpgTanggap ng fans and supporters ni Sam Milby ang bagong girlfriend niya na si Mari Jasmine na isang Filipina-British model and blogger. Ayon kay Sam, wala raw naman siyang nakikitang violent reactions sa social media mula nu’ng aminin niyang meron na siyang karelasyon.

“Yeah, I think they have (accepted) and I’m really, really happy about that. I think, siguro kung sinabi ko dati nu’ng 2010, 2011 or 2012 na may girlfriend na ako, hindi nila matatanggap.

“Kasi kahit papaano, malakas talaga yung love team namin ni Anne (Curtis). The fans are very hopeful. Kahit alam nila na may relationship na si Anne, they are still hoping na magkabalikan kami and I don’t think nung time na yon, kung sinabi ko na may girlfriend ako hindi nila matatanggap,” simulang pahayag ni Sam sa Push.com.ph.

Sabi pa ni Sam, wala na raw siya sa level na luma-love team pa kaya hindi na ganu’n ka-possessive ang kanyang fans.

“Kasi ako, sa point ng career ko now, natatanggap na ng fans yung ganu’n kasi I think if it’s yung sobrang strong love team na kunyari yung KathNiel, kung sakaling may karelasyon silang iba, magagalit ang mga fans.

“Pero ako, I’m not there anymore. I’m not at that point na parang… Kumbaga, I’m in a different stage na pagdating sa career ko,” paliwanag pa niya.

Tama lang din naman daw na magkaroon na siya ng girlfriend pagkatapos ni Anne dahil, “this is my first girlfriend since Anne. And six and a half years is my longest that I’ve ever been single,” komento pa ni Sam.

What are the qualities of Mari Jasmine na nagustuhan niya?

“She is very genuine. She is very simple in a very good way. She is not a showbiz person. She’s a very private person and I like that pati yung pagdating sa relasyon namin she wants to keep it private and I respect that and I want also to keep it private. Yung mga detalye I don’t want to really share. It’s a nice separation from showbiz,” he said.

Eh, paano kung may mga intrigang dumating sa relasyon nilang dalawa?

“Naiintindihan naman niya kasi kahit papaano she’s in the business na hindi siya kasali sa showbiz kasi modelo siya so she knows how the business works also. Saka she wants to keep things private and also me, I want to keep things private.”

Si Mari Jasmine na ba ang maituturing niyang “the one”?

“Time will tell,” natatawang sagot ni Sam. “

“Siyempre, kasi medyo maaga pa para sabihin yon. Pero sana. But siyempre, hindi naman ako papasok sa isang relasyon kung wala akong nakikitang future. Hopefully naman. It’s doing well, I’m very happy.”

Selosa ba ang GF niya?

“Hindi.”

Mas gusto ba niya ang GF na hindi selosa?

“Ang gusto ko yung tama lang. Gusto ko rin yung medyo selosa kasi pag medyo selosa alam mo yung… di ba, parang natatakot mawala sa yo.

“Kasi ako, ganu’n din ako, eh. I can be seloso, pero hindi yung extreme na inaaway ko na… yung parang may selos naman, siyempre kasi natatakot lang din naman ako na mawala siya sa akin o baka may mang-agaw di ba?

“It’s a natural reaction when you love someone you’re afraid to lose them. Jealousy is natural thing, it’s just learning how to know the right kind of jealousy kung dapat mag-react or hindi na lang,” pagtatapos ni Sam na isa sa kapareha ni Julia Montes sa afternoon series na Doble Kara.