EXCLUSIVE: Upgrade to hold grand fans day on UKG

Upgrade wants to be known as a boy band who can sing and dance.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/26/2016 10:15 AM
EXCLUSIVE: Upgrade to hold grand fans day on UKG


082616-upgrade_main.jpgMagkakaroon ng grand fans day sa August 29 (Monday) sa Quezon City Memorial Circle ang grupo ng Upgrade na binubuo nina Casey, Mark, Miggy, Ivan, Armond at Rhem. Ang Upgrade ay regular ding napapanood sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN bilang hosts and performer kaya may live telecast ang kanilang fans day sa morning show.

“Holiday po yung August 29 kasi National Heroes’ Day yon kaya inaasahan namin na maraming makikisasya sa aming grand fans day,” simulang balita ng Upgrade sa Push.com.ph.

Eh, ano ba naman ang dapat asahan ng fans na pupunta sa event bukod sa pakikipag-bonding sa Upgrade?

“Magpi-perform po kami. Do’n po namin ipapakita yung pagiging boy band po namin. Yung ipe-perform po namin, magugulat na lang yung mga manonood na, ‘Ah, ganu’n pala sila. Hindi lang pala sila basta sumasayaw, kumakanta rin sila,’” sey ng frontrunner ng Upgrade na si Casey.

Sey naman ng isa pang member na si Rhem, gusto raw talaga nilang makilala bilang boy band.

“Nakilala po kami ng tao bilang dancer, dahil nga do’n sa Trumpets Challenge na sayaw lang, pero yung group po talaga namin, sing and dance po talaga.

“We are not dancers lang po, I mean dancers are amazing, pero meron din kasi kaming talents na puwedeng pagsabayin ang pagsayaw at pagkanta. Gusto naming makilala kami as boy band talaga,” sambit pa ng binata.

Ang Trumpets Challenge video ng Upgrade ay umabot na ng halos 10 million combined views sa internet.

“Dati po prepared kami sa videos na ginagawa namin at ina-upload sa internet. Nagsu-shoot kami sa ibang location, may editing may lighting pa, maraming kamera. Pero ang pinakamarami naming views mga 100,000 lang po.

“Pero yung sa Trumpets Challenge na sinyut lang namin sa roof top ng bahay ni Mark na naka-boxer shorts kami lahat, sobrang hindi namin ini-expect na magba-viral ng ganu’n. June 9 po namin yon ginawa na parang katuwaan lang,” natatawang kuwento ni Casey.

Bukod sa UKG, nakapag-guest na rin ang Upgrade sa ASAP, Rated K at It’s Showtime and soon sa Gandang Gabi Vice naman.

“Nung napanood po kami Vice sa Showtime at nakita niya kaming sumayaw, in-invite niya po kaming mag-guest sa GGV kaya po sobrang excited namin,” kuwento pa ni Casey.

Marami pang mga magagandang development sa career ng Upgrade na sa susunod na mga araw na lang namin isusulat dito sa Push.com.ph.