Kakai Bautista is searching for a new leading man

Kakai Bautista is very open to the idea of a romance with her new leading man.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/25/2016 9:07 AM
Kakai Bautista is searching for a new leading man


082516-kakai_main.jpgSi Kakai Bautista ang susunod na ilo-launch to full stardom sa isang launching movie na wala pang final title. Bukod dito, hinahanap pa rin ang magiging leading man ni Kakai na excited na siyang malaman kung sino ito.

“Baka siya na pala ang the one ko, ‘di ba? After all the heartache, baka siya na pala ang magpapasaya ng puso ko. Kung sino ka man, I’m very open to being more than friends, more than best friends—alam niyo ‘yan—charot!

Bukod sa guwapo at maganda ang katawan, kailangan daw ay may nalalaman na rin sa acting ang magiging kapareha ni Kakai sa kanyang launching movie.

"Kidding aside, mabigat ang role ng leading man ko sa pelikula kaya kailangan bongga umakting,” she added.

Expected naman ng fans na may touch ng comedy ang tema ng pelikula ni Kakai pero hintayin daw ang mga dramatic scenes na pinaghahandaan niya ngayon pa lang.

“Hindi basta-basta pagpapatawa ang gagawin ko dito. Level up na Kakai ang mapapanood niyo dito—just the right mix of funny and madrama.”

Ang magaling at award-winning director na si Lem Lorca ang bubuo ng dream project na ito ni Kakai.

“Excited talaga ako to work with Direk Lem. I’m very happy na for my first movie, award-winning ang director ko. ‘Yun nga lang, and’yan ang pressure to be the best. But I’m ready.”

Sa mga interesado na maging leading man ni Kakai Bautista, dapat ay nasa 20s hanggang 30s ang edad, artistahin ang itsura at katawan at may nalalaman na sa pag-arte.