Judy Ann Santos answers rude netizen on Instagram

‘Affected ka ba na mataba pa rin ako?’

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

8/25/2016 2:20 PM
Judy Ann Santos answers rude netizen on Instagram


082516-juday_pod.jpg

Hindi napigilan ni Judy Ann Santos ang sumagot sa isang comment sa kakapost lang niya na picture sa kanyang Instagram.

Nagupload si Juday ng picture ng kanyang set meal na isang vegetable salad at fruit shake. 

May isang @jhoannadelrosario ang nagbigay ng comment sa post ng “Akala ko ba nagdidiet ka? Bat sobrang taba mo pa rin?”

082516-juday1_pod.jpg

Hindi naman napigilan ng aktres na magreply sa pagpuna nito sa kanyang timbang.  

“Hi! Naku sorry.. Affected ka ba na mataba pa rin ako? Pesensya na hindi ko kasi alam na nagmomonitor ka pala.. Di bale.. Pag pumayat ako ikaw unang unang itatag ko ah, para mabawasan bigat ng dibdib mo,” sagot ni Juday.

082516-juday2_pod.jpg

Aminado naman ang aktres na talagang tumaba siya matapos niyang magbuntis at manganak sa kanyang anak na si Luna. Sinabi rin nito sa interview niya sa PUSH na hindi pa siya ganoon ka-confident na makita ng publiko tulad ng dati.

READ: Judy Ann Santos admits feeling insecure after gaining weight

“May mga moments pa rin talaga na yung physical appearance mo ay makakaapekto sa ‘yo. Hindi ako magsisinungaling do’n sa thought na hindi ko naiisip na bakit ako ganito (kataba). Tao lang ako, nai-insecure ako, minsan napu-frustrate ako,” sabi ni Juday.