• Home
  • Fresh Scoops
  • Is there any sibling rivalry between Maxene and Elmo Magalona?

Is there any sibling rivalry between Maxene and Elmo Magalona?

Maxene says she is happy about the success of any of her siblings.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/24/2016 10:06 AM
Is there any sibling rivalry between Maxene and Elmo Magalona?


082416-maxene_main.jpgSa set ng Doble Kara nakausap ng ilang entertainment press si Maxene Magalona at ayon sa kontrabida ni Julia Montes sa afternoon series ng ABS-CBN, masaya siya sa nangyayari sa career ngayon ng younger brother niyang si Elmo Magalona na ka-loveteam ni Janella Salvador sa primetime series na Born For You.

“I’m very, very happy for him because you know, the success of my family is something so rewarding for me, na makitang nagbu-bloom ang mga kapatid ko. And itong si Elmo, you know, he’s only 22 but he’s experiencing so much and sinasabi ko sa kanya, ‘simula pa lang ‘yan, you’re gonna have so much fun,’” pahayag ni Maxene sa Push.com.ph.

Kaagad ding nilinaw ni Maxene ang isyu na merong inggitan sa kanilang magkakapatid.

“Ay wala! Sa family namin, there’s no such thing,” pagdidiin pa niya.

Dagdag pa ng aktres, masaya siya sa role na ginagampanan niya ngayon sa Doble Kara at overwhelmed siya sa reaksyon ng mga tao sa karakter niya.

“Hindi ko akalain na makakagawa ako ng ganitong klaseng karakter. Si Alex (her character), sobrang complex niya, sobrang scheming, sobrang manipulative, sobra siyang selfish na talagang nakakatakot.”

Eh, paano kung ma-typecast siya sa ganitong klase ng role? Hindi ba siya natatakot?

“Ay, hindi, hindi. Work for me is a blessing. I really believe na what’s meant for me, ‘yun ang ibibigay sa akin. And I’m enjoying every moment of you know, playing this character, kasi sabi ko nga kanina, ibang klase si Alex, sobrang dami niyang levels,” paliwanag pa ng aktres.

Eh, how about her love life? Kumusta ang relasyon nila ng model at musician boyfriend na si Robby Mananquil?

“I’m very, very happy. ‘Yun lang naman, eh. It’s just the simple things, and you know, after everything, after all the ano, all you want is just to be with someone who makes you laugh, who makes you happy. And you know, hindi important ‘yung mga material things or ano. It’s not that, it’s more of connection ninyo, the conversations you have,” she said.

Halos isang taon na rin ang relasyon nila ng BF kaya natawa lang siya sa mga nagsuspetsang meron silang “something” ni Edgar Allan Guzman.

“Magkaibigan lang kami ni EA and nagkasama kami sa Your Face Sounds Familiar. Hindi naman plinano ‘yun, eh, ‘yung Emax (love team) na ‘yun. More of nagkatuwaan lang ‘yung mga tao.

“Tapos ‘yung nagkaduet kami, so ‘yun, masaya, that was a really fun show,” pag-alala pa ni Maxene about EA.