• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo on Gerald Anderson: ‘Oo lagi kaming nagkikita’

Bea Alonzo on Gerald Anderson: ‘Oo lagi kaming nagkikita’

Bea Alonzo admits enjoying the company of ex-beau Gerald Anderson

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/24/2016 9:14 PM
Bea Alonzo on Gerald Anderson: ‘Oo lagi kaming nagkikita’


082416-BEA-GERALD_main.jpg

Sa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, bukas na nagkwento si Bea Alonzo sa madalas nilang pagkikita ni Gerald Anderson.

Kamakailan lang ay nag-hike daw sila sa Subic, Zambales. Masayang kwento ni Bea, “Nag-hike kami. Exciting naman, first time kong nag-hike in my life. Kasama namin yung friends niya, yung cousin ko, friends ko. It’s very, very interesting to know na meron palang other side of him that I haven’t discovered before and he helps me discover that side.”

Una nang inamin ni Bea at Gerald na espesyal sa kanila ang Subic nang maging sila noong 2010.


Hinahangaan din diumano ni Bea ang bagong Gerald. “I have never been close to a person na ganun ka-genuine at ganun ka-passionate sa pagtulong sa iba. Napaka matulungin niyang tao, parang nagugulat ako. You don't always meet people like that and I didn't see that before in him.”

Pakiusap rin ni Bea na sana’y wag munang unahan ng mga tao kung ano mang meron sila ngayon. “‘Wag natin pangunahan. Parang right now we’re really enjoying each other’s company.”

Hindi rin nag-atubili si Bea na aminin, “Oo lagi kaming nagkikita at masaya kapag nagkikita kami. So hanggang dun muna I guess. Kung magiging kami hindi ko alam mababalitaan niyo agad-agad. I promise you.”