• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla on marrying again: ‘Okay na ako kay Mariel’

Robin Padilla on marrying again: ‘Okay na ako kay Mariel’

The actor also talks about having 10 children.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/23/2016 2:32 PM
Robin Padilla on marrying again: ‘Okay na ako kay Mariel’


082316-robin_main.jpgKakabugin pala ni Rommel Padilla ang utol niyang si Robin sa padamihan ng anak. 45 ang gustong maging anak ni Rommel samantalang si Robin ay kontento na raw kung magkakaroon ng 10 anak.

“Naku, eh hindi ako puwedeng manalo kay Rommel. Ang daming asawa nu’n,” pahayag ni Robin nang makausap siya ng Push.com.ph sa Bravo food supplement for men press con kung saan pareho silang endorser ni Rommel.

“Basta ako, kung ano ang bigay ng Diyos. Sa ngayon, ilan ba ang anak ko? Anim. Pwede na sa sampu,” patuloy pa niya.

Anim na buwang buntis ngayon ang asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez kaya bale pang-pitong anak na niya ang susunod na isisilang ng asawang actress/TV host.

Yung tatlong anak na gusto pang magkaroon ni Robin, sigurado na ba siyang kay Mariel na lang manggagaling yon o mag-aasawa pa siya ng iba at ipa-practice ang kultura ng mga Muslim na allowed ang pagkakaroon ng apat na asawa?

Sagot ni Robin, “Wow, araw-araw ipinapangako yon,” paliwanag agad ng actor

“Ang pag-aasawa naman, hindi pinaplano ‘yan, dumadating ‘yan. Parang nung dumating sa aming dalawa (ni Mariel), walang nagplano, naging mag-asawa na kami.

“Kaya hindi siguro sinasabi ‘yun, kung mag-aasawa pa ako uli. Okay na ako kay Mariel,” diin pa niya.

Sa tanong namin kung bakit ayaw niyang tumanggap ng posisyon sa gobyerno sa pamahalaan ni Pangulong Digong Duterte, nagbigay din ng paliwanag si Binoe.

“Ano po yan, eh, hindi naman nawawala yan (pag-alok ng government position) kasi nasa iisang circle lang kami. At isang napakalaking karangalan naman na tinatanong ako kung gusto ko. Ang usapin lang, eh, puwede ba ako? Hindi, eh.

“Una na, kung revolutionary government ‘to, oo, papayag ako. Pero hindi, eh,” rason ng actor.

Ayon pa kay Robin, “Kasi, di ba ex-convict ako, eh. Ex-convict ako, hindi nga ako nakaboto, eh. Hindi ako puwedeng bumoto, hindi ako puwedeng humawak ng government position,” saad pa ng actor.