• Home
  • Fresh Scoops
  • Christopher de Leon is grateful to be part of El Shaddai movie

Christopher de Leon is grateful to be part of El Shaddai movie

Christopher de Leon admits that there have been times in his past when his family went through trials and miracles.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/23/2016 10:04 AM
Christopher de Leon is grateful to be part of El Shaddai movie


082316-christopher_main.jpgSa naganap na birthday celebration ng El Shaddai leader na si Brother Mike Velarde, naging espesyal na panauhin sa pagdiriwang ang maraming artista. Isa na dito ang premiadong aktor na si Christopher de Leon na isa din sa mga bida din sa pelikulang Miracles Are Forever na handog ng El Shaddai members para sa kanilang leader na si Brother Mike.

Aminado si Christopher na minsan nang nasubok ng panahon ang kanilang pamilya pero lubos pa rin ang pasasalamat niya dahil sa mga maituturing na milagro sa kanilang buhay.

"Miracles have always been there, having food on a table isalready a miracle , having a happy family is a miracle, being healthy especially sa mga nakaraang mga araw at mga nakalipas na araw, my son is completely healed and thank God, Sandy (his wife) is very well now."

Malaki din ang pasasalamat ni Christopher kay Brother Mike at Direk Carlo Caparas dahil naging kabilang siya ng pelikulang malapit sa puso ng mga El Shaddai members. "Miracles are Forever that's really a miracle for me so let’s dedicate our lives and each and everyday to our God our creator, and you will see all the miracles will happen." Gayun pa man, hindi din inasahan ni Christopher na sa sandaling oras ay agad na nag sold out ang ticket para sa premiere night ng pelikula.

"This premiere night is entirely different, dahil ngayon ko lang din narinig na umpisa palang at agad nang tinatangkilik ang pelikula. I'm happy for everyone lalo na kay brother Mike."

Natapos naman ang kanyang Role sa Ang Probinsyano kamakailan. Naibahagi din ni Christopher na dapat din abangan ang isa pang pelikula kasama muli Ang direktor na si Carlo Caparas para sa Kamandag ng Droga.