• Home
  • Fresh Scoops
  • Enrique Gil on love: ‘It makes you want to get up in the morning’

Enrique Gil on love: ‘It makes you want to get up in the morning’

LizQuen talk about love, their investments and Liza Soberano’s admirers

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/22/2016 8:00 AM
Enrique Gil on love: ‘It makes you want to get up in the morning’


082216-LizQuen_PUSH.jpgSa Rated K, nang tanungin ang Dolce Amore stars Liza Soberano at Enrique Gil kung bakit patok pa rin ang tambalan nila, ang sagot ni Enrique ay, “maybe dahil totoo, maybe they can feel it. They can sense it at siguro, dahil nag-aabang sila kung kailan aamin kung kami ba o hindi.” Para naman kay Liza, “I think they feel the sincerity. Siguro po, intentions kung bakit kami nag-aartista. What we’re doing it for and what we want to achieve in life.”

Pero bakit nga ba sila nag-aartista? Para kay Liza ito ay ginagawa niya para sa mga mahal niya sa buhay. “My family wasn't as well off so I did it out of love for my family, because I wanted to help them. Also, I wanted to be able to give them the things that I didn't get when I was younger.”

Ang totoo, nakabili na si Liza ng bahay para sa pamilya niya. “I’ve been able to buy my own house. It’s under my name but my whole family lives there. Also, I have my own business already too. It’s a nail spa.”

Si Enrique naman ay ganun din, kasi bukod sa mga loteng nabili niya “sa Paranaque around BF (Homes), mga four lots,” ay natupad rin niya ang pangako niya sa Lola niya. “I paid off my grandma’s house. Kasi grandma’s house in Cebu, I promised my grandma I was going to fix it for her before she died.” Bukod rito, nakapagpundar na rin si Enrique ng beach house sa Anilao, Batangas.

Two years na ang love team ng LizQuen at marami ang nag-aabang kung kailan ito magiging totohanan. Samantala, sweet na sweet naman ang dalawa maging sa set ng katatapos lang na hit serye nilang Dolce Amore. Ang pag-amin ni Liza, “minsan minamasahe ko yung kamay niya kasi parang laging na-stress ang kamay niya so I’d press it lang.”

Pero hindi ba threatened si Quen dahil sa dami ng humahanga kay Liza, maging international stars katulad ni The Vamps lead guitarist James McVey at ang sikat na singer-songwriter na si Charie Puth. Kamakailan lang ay trending ang mensahe ni Charlie Puth kay Liza sa social media. Ani Liza, “I felt so shy when they do that. Nakakakilig din that they appreciate me. But if it probably were someone I really really love. If it were Justin Bieber I’d probably go crazy.”

Pero kampante naman si Enrique na hindi siya mauunahan ng ibang mga humahanga kay Liza. Ani pa ni Enrique hindi siya nagseselos dahil, “nag-usap na kami tungkol kay Justin Bieber.”

Ano naman kaya ang love para kay Liza at Quen? Ani Quen, “Makes you want to get up in the morning. My life slowly getting clear on what I want to achieve in the future. It gives me a purpose of what I need to be doing.”

Para naman kay Liza, “I’d like to think of love as some kind of fuel. You can’t go on with your life without love. Love is like hope also. Dad named me Hope kasi he believes I’m going to be their hope.”