• Home
  • Fresh Scoops
  • Ogie Alcasid reveals songs written for wife Regine Velasquez

Ogie Alcasid reveals songs written for wife Regine Velasquez

Ogie Alcasid talks about his gigs before he became a professional singer

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/22/2016 7:50 AM
Ogie Alcasid reveals songs written for wife Regine Velasquez


082216-OgieAlcasid1_PUSH.jpgSa Gandang Gabi Vice, nagbigay ng pasilip ang singer-composer na si Ogie Alcasid sa kanyang nakaraan bilang isang singer. Ayon kay Ogie, “Bago ako naging professional singer sa showbiz, kumakanta ako sa mga patay, mga kasal… Yan ang mga gig ko nung araw.”

Nagkaroon rin ng grupo si Ogie na ang pangalan ay “Sparkle” na ayon sa kanya ay “hindi masyado nag-sparkle.” Hanggang sa madiscover si Ogie ng kanyang manager noon at sinabi nito na pwede si Ogie mag-solo. Hindi raw kompyansa si Ogie na pwede siya mag-solo kasi hindi siya matangkad.”Kasi ang uso nun matatangkad, gwapo…”

Inamin ni Ogie na habang may girlfriend siya noon ay nagkaroon siya ng gusto sa iba kaya niya nabuo ang kantang “Bakit Ngayon Ka Lang Dumating.”

Sinulat rin niya ang mga kantang “Kailangan Ko’y Ikaw,” “Pangarap Ko’y Ibigin Ka,” at “Kailangan Kita” para sa asawang si Regine Velasquez, na noon ay hindi pa niya asawa.

Kwento ni Ogie, noong sinulat niya ang “Pangarap Ko’y Ibigin Ka,” ay “medyo malalim” na ang nararamdaman niya para kay Regine, ngunit hindi pa raw sila nito. “Puro feelings lang,” ani Ogie. “Sinulat ko lang siya ng hina-hum ko lang. Nung sinulat ko yan dumaloy lang siya.”