Nash Aguas says he wants to direct Coco Martin someday

Nash Aguas is pursuing his dream of becoming a director.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/21/2016 8:41 AM
Nash Aguas says he wants to direct Coco Martin someday


082116-NashAguas_finalmain.jpgHindi isyu kay Nash Aguas kahit pa support lang ang role ng love team nila ni Alexa Ilacad sa afternoon series ng ABS-CBN na Doble Kara na pinagbibidahan ni Julia Montes.

“Trabaho lang po talaga itong ginagawa namin and kailangan kapag may binigay sa amin, tanggapin namin and gawin namin nang maayos,” sabi pa ng binata.

Mas okey din daw para sa kanila ni Alexa ang walang masyadong work load sa showbiz dahil nakakapag-aral sila.

“Sa totoo nga po, kami po ni Alexa yung humingi ng ganito, as in, hindi kami yung bida. Kasi si Alexa, Grade 11 na po tapos ako first year college. So, gusto namin mapagsabay, (showbiz at pag-aaral), kasi kumbaga, hindi forever yung showbiz so parang saying din kapag… Alam natin na yung pag-aaral makakapaghintay pero saying pa rin yung mga times na dapat nakakapag-aral ka,” paliwanag pa niya.

Dagdag pa ni Nash, “Si Alexa and ako, hindi po namin iniisip kung sikat, yung parang ganu’n. Oo, siyempre, maganda kung sikat kasi lahat ng tao gustong sumikat pero more on ano po kami do’n sa project. Kung ano yung magandang maibibigay namin do’n sa role. Kung maliit man po yan o malaki, pare-parehas lang yon. Ang importante po, nagawa mo nang tama yung trabaho mo,” sey pa niya.

Pangarap din pala ni Nash na maging director balang araw.

“Yon po talaga ang gusto kong gawin. Pangarap ko kasi talagang maging director since bata pa, so gusto ko talagang mag-aral.”

Kumukuha ng Filmmaking ngayon si Nash sa Meridian International College sa McKinley Hill.

Ayon pa sa actor, ang director na si Toto Natividad daw ang nagbigay sa kanya ng idea na pupuwede siyang magdirek.

“Kasi si Direk Toto po sobrang bait. Minsan humihingi siya ng suggestions sa akin. Tapos ako, do’n ko nalaman na meron pala akong eye. Tapos sabi niya, ‘Magaling ka, ah. Magdirek ka na lang.’ Tapos yon, do’n ko po nakita na puwede nga.”

Eh, sino namana ng gusto niyang idirek in the future?

“Si Kuya Coco (Martin)!” diretsong sagot niya.

“Kasi nung nagkita po kami nung parang ending ng Bagito sa Dreamscape party, sinabi ko sa kanya na magdidirektor ako. Sabi niya, ‘Uy, maganda yan.’ Tapos sabi niya, meron daw siyang kino-conceptualize actually na project para sa aming dalawa na parang magkapatid (yung istorya).

“Pero pag hindi raw yon natuloy, sabi niya, ‘Gusto ko maidirek mo ako, magkatrabaho tayo, pero director ka,’ parang ganu’n.

“Nu’ng naging young Coco po ako noon, gusto na naming magkatrabaho ulit na hindi naman daw ako yung young Coco. Kaya sobrang natutuwa po ako na gusto niya ulit akong makatrabaho,” umaasang sabi ni Nash.