• Home
  • Fresh Scoops
  • Chavit Singson plans to revive his film and TV production outfit

Chavit Singson plans to revive his film and TV production outfit

The former governor of Ilocos shares his new show “Happy Life” is a travel and charity show all rolled into one.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/22/2016 1:28 AM
Chavit Singson plans to revive his film and TV production outfit


082216-ChavitSingson_PUSH.jpgBukod sa pagiging aligaga ni dating governor Chavit Singson sa preparasyon para sa 2017 Miss Universe na gagawin dito sa Pilipinas, plano din niyang i-revive ang Northern Star Productions na nagpo-produce noon ng mga pelikula.

“Marami na ngang nag-submit ng kanilang scripts pero hindi pa namin masyadong matutukan dahil busy nga dito sa paghahanda para sa Miss Universe,” kuwento ni Manong Chavit.

Nabanggit din niya na ang magiging in-house director ng production outfit niya ay si Eric Quizon na siya ring director ng ginagawa nilang TV program na Happy Life na pinag-iisipan pa kung sa ABS-CBN o sa GMA-7 ipalalabas.

Ang programang Happy Life ay naglalayong makatulong sa turismo at mga mamamayan.

“Ang concept ng Happy Life, pupunta sila sa mga probinsiya, kukunan ang mga magagandang tanawin para sa turismo natin, tapos pupunta sila sa nangangilangan ng eskwalahan or hahanapin nila ang pinakamasipag na farmer, pupuntahan nila.

“Itong show na ito, ayaw namin ng dole-out. Gusto namin, reward system. So, sa probinsiyang ‘yan, kung sino ang pinakamasigasig, pinakamasipag na farmer, iimbitahin sa Maynila, ititira sa first class hotel, pakakainin, shopping, lahat ng buhay-mayaman, pagbalik niya, bago na ang bahay niya.

“Puro pagtulong po ang Happy Life. Ito ay travel show, charity show, lahat,” paliwanag pa niya.

Paraan din daw niya ito to give back sa tagumpay na meron siya mula sa Panginoon.

Sabi pa nga niya, hindi niya madadala ang pera sa hukay kaya gusto niyang ipamigay lahat. “Ang show na ‘yun, to encourage others to do the same -- ipamigay ang pera dahil money is not yours until you spend it. So, ako ipamimigay ko lahat. Bibigyan ko rin ang mga anak ko pero ipamimigay ko lahat, dahil pag namatay ako hindi ko madadala lahat ‘yun,” he said.

Samantala, sa latest update ni Manong Chavit para sa Miss Universe pageant, almost done na raw ang lahat. Ang Department of Toursim daw sa pamumuno Sec. Wanda Corazon Tulfo-Teo ang mag-a-announce kapag na-finalize na ang lahat.

“As of now, siguro mga 80% almost done, so kapag final na, ia-announce ni Sec. Wanda,” pagmamalaki pa ng dating gobernador ng Ilocos.