• Home
  • Fresh Scoops
  • Bro. Mike Velarde says movie “Miracles Are Forever” will make viewers believe in miracles

Bro. Mike Velarde says movie “Miracles Are Forever” will make viewers believe in miracles

The El Shaddai leader is thankful to Carlo J Caparas for making the inspiring story into a film.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/22/2016 1:23 AM
Bro. Mike Velarde says movie “Miracles Are Forever” will make viewers believe in miracles


082216-ElShaddai_PUSH.jpgKahit na malakas ang ulan, dumagsa ang maraming members ng Catholic Charismatic group na El Shaddai para mapanood ang unang pagpapalabas ng pelikulang Miracles Are Forever, na may tatlong inspiring na mga kuwento na pinagtulungan buuin ng mega couple na sina Donna Villa at Carlo J Caparas.

Present din ang head ng El Shaddai na si Brother Mike Velarde na pinaka excited na mapanood ang pelikula.

"Nananabik ako dahil itong Miracles Are Forever ay nagsasabi na ang Diyos ay hindi tumitigil na gumawa ng mabuti lara sa ating lahat. Matagal na itong plano pero di nagkakaroon ng pagkakataon until I met Direk Carlo Caparas," sabi ng spiritual leader.

Iisa ang hangarin ng pelikula na makapag bigay ng inspirasyon at mas matibay na pananalig sa Diyos.

"Isa sa wish ko na lahat ng makapanood ngayon ay makaranas ng sarili nilang milagro sa buhay. Ang himala ay mga bagay na hindi kayang gawin ng tao o ng medisina at tangi na ang Diyos ang makakagawa."

Kasama sa pelikula sina Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Richard Gutierrez, Arci Munoz, Alonzo Muhlach, Ara Mina at marami pang iba. Ayon kay Donna Villa, marami pang special screenings ang magaganap para sa movie.

"Magkakaroon pa kami ng iba pang premiere showing to give way sa other El Shaddai members na di makakapanood ngayon. May mga naka-sked na rin kami na world premiere sa iba’t ibang bansa kaya hintayin nila yan," sabi ng movie producer.

Nagbigay pa ng makahulugan na sagot si Brother Mike kung isusunod na bang gawin bilang isang pelikula ang kanyang buhay.

Malapit na, malapit na (laughs). Panoorin muna nila itong Miracles Are Forever," wika ni Brother Mike.

082216-ElShaddai_PUSHlarge.jpg