• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla reveals Mariel Rodriguez will give birth in the US

Robin Padilla reveals Mariel Rodriguez will give birth in the US

Robin Padilla says Mariel Rodriguez’s family wants her to give birth in the US.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/20/2016 10:00 AM
Robin Padilla reveals Mariel Rodriguez will give birth in the US


082016-RobinPadilla_main.jpgNatatawang naikuwento ni Robin Padilla sa presscon ng 2 na isang health supplement para sa mga kalalakihan na masaya ang asawang si Mariel Padilla sa bago niyang endorsement.

"Natuwa po siya, eh. Nung sinabi ko na tungkol ito sa… kasi pagka meron po kasing advocacy natutuwa si Mariel,” pag-amin ni Robin sa Push.com.ph

Patuloy pa niya, “Kasi advocacy po ito talaga. Pangangailan ito ng mga lalaking may erectile dysfunction, premature ejaculation. Yan po kasi talaga ang karamihang pinagdadanan ng mga kalalakihan.

Nasubukan na ba niya itong inumin?

Hindi ko pa na-try. Hindi pa. Medyo buntis pa yung asawa ko,” natatawa niyang sagot.

Pero bago niya raw tanggapin ang offer to endorse ng health supplement ay nag-imbestiga muna siya.

Ito pong Bravo nung unang kinuwento sa akin, siyempre kailangan po muna nating imbestigahan. Lahat po ng iniendorso ko hindi ko yan iiendorso dahil malaki ang bayad sa akin o kailangan ko ng pera, hindi po. Lagi po diyan yung makakatulong ba talaga sa tao yan. Yan ba ay baka magbigay lang ng sakit.

“Talagang dumarating po sa punto na ang pagkalalaki ng isang lalaki ay ‘nanghihina.’ Pero hindi ko pa po naman nararamdaman yon… wala pa.”

Ipinagmalaki din ng actor na sa aspetong sekswal ay hindi pa rin naman daw siya nakakaramdam ng panghihina.

“Ay hindi naman nabawasan. Nagwawala pa. Kasi magkaiba naman po kami ng sitwasyon ni Kuya Rommel. Si Kuya Rommel po kasi siya ang pinaka-bising tao. Ako naman po ay hindi naman ganu’n ka-busy,” kaswal niyang pahayag.

Samantala, kinumpirma ni Robin na sa Amerika manganganak si Marirel na anim na buwan ng buntis ngayon.

“Kasi yung parents ni Mariel, yung kanyang dad, yon ang number one na kahilingan. Pangalawa, iba siyempre yung pakiramdam niya nakasama niya yung pamilya niya. Pati ate niya pupunta don, one big family event yon.

Sasamahan ba niya ang asawa sa U.S.?

Inaayos pa namin. Sana mabigyan ako ng visa. At saka gusto ko talaga na tahimik yung panganganak niya. Malayo muna sa intriga, malayo muna sa… kasi napakadelikado, eh,” sagot ni Robin sa Push.com.ph.