• Home
  • Fresh Scoops
  • Mother Lily Monteverde gives touching speech for her 77th birthday

Mother Lily Monteverde gives touching speech for her 77th birthday

Mother Lily Monteverde dedicates birthday celebration to entertainment press.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/20/2016 9:50 AM
Mother Lily Monteverde gives touching speech for her 77th birthday


082016-MotherLily_main.jpgStar-studded na nag-celebrate ang Regal Entertainment producer na si Mother Lily Monteverde ng kanyang 77th birthday sa kanyang Valencia Events Place sa GreenHills. Matapos nyang mag-blow ng kandila mula sa kanyang birthday cake, nagbigay ng madamdaming speech si Mother para sa kanyang mga bisita.

Inalay ni Mother Lily ang kanyang party sa entertainment press na patuloy pa rin siyang sinusuportahan sa lahat ng kanyang proyekto.

"I celebrate 77 years of my colorful life for the unsung heroes of Mother Lily’s life and Regal Films. My dear editors, reporters as it is for me and my family. As you very well know my love affair with the entertainment press is a very good material for a movie."

Gaya ng normal na relasyon ng pagkakaibigan, hindi laging masaya ang eksena, dumadaan din daw ang relasyon ni Mother sa movie press sa pagsubok pero naaayos din. 

"Through the years our relationship may be compared to Romeo and Juliet. Other times naman parang si Tom Cruise, Mission Impossible. What I’m trying to say is hindi laging smooth ang pinagdadaanan ni Mother Lily as a producer trying to keep up with the times, but you my friends from the media have always stood by me thru thick and thin."

Pero sa haba at ilang dekada ng pagpo produce ni Mother Lily, sinabi niya na hindi siya nakakalimot sa lahat ng pagtutulungan para mapasigla ang movie industry.

"Mother Lily has not forgotten. I will never forget all the help you have given me and Regal Films. Kung wala kayo wala rin si Mother Lily at ang Regal. That is why I dedicate this party to you."

Naging madamdamin naman ang huling bahagi ng birthday speech ng Regal Producer.

"Sana magkasama sama pa tayo ng another 77 years mag loka lokahan, chika chikahan at okray okrayan. As I always say I may not be a taipan but i am definitely rich in terms of friends from in and out of showbiz," pagtatapos ni Mother Lily.