KathNiel defend each other from bashers

KathNiel celebrate their 5th anniversary as a love team.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/20/2016 11:36 AM
KathNiel defend each other from bashers


082016-KathNiel_main.jpgSa TV Patrol, ipinagtanggol ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang isa’t isa sa mga hindi magagandang nasasabi ng mga tao tungkol sa kanila.

Ani Kathryn, “kay DJ lahat naman e. Yung impression sa kanya kung di mo kilala, yung nayayabangan, naaangasan, masungit. Parati kong sinasabi na hindi, ganyan lang talaga siya, na mas gusto kong pinapakita niya.”

Si Daniel naman tungkol kay Kathryn, “maraming nagsasabi na suplada siya. Hindi naman siya suplada e, shy siya e.”

Ipinagmalaki rin ni Daniel ang ginawang pag-arte ni Kathryn sa pelikula nilang Barcelona na idinirek ng batikang direktor Olivia Lamasan. “Sa lahat ng nagda-doubt kay Kathryn na kesyo pacute daw siya umarte. Eto na yun, dito kayo lahat matutunganga sa kanya.”

Pinagdiriwang rin ng dalawa ang ikalimang taon nila bilang love team.  Ani Daniel, “lahat napagdaanan naman ng love team namin ni Kathryn. From super pakilig lang tapos paunti-unti pa-drama, drama.. ang ganda ng pacing namin. Talagang perfect ang lahat, walang naipilit.”

Lubos naman ang pasalamat ng dalawa sa kanilang mga fans. Ayon kay Kathryn, “wala kami talaga dito kung wala sila.”