Julia Montes says she still communicates with Coco Martin

Julia Montes says she and Coco Martin are both focused on work for now.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/20/2016 9:56 AM
Julia Montes says she still communicates with Coco Martin


082016-JuliaMontes_main.jpgKahit abala sa taping ng Doble Kara, inamin ni Julia Montes na meron pa rin silang komunikasyon hanggang ngayon ni Coco Martin na bida naman ng Ang Probinsyano.

Paminsan-minsan po,” sey ng aktres.

Dinadalaw din ba siya ni Coco sa bahay lalo pa’t magkapitbahay lang sila?

Hindi po, eh. Kasi, ang day-off ko lang po, Sundays saka Wednesday, minsan, pinupuntahan ko sina Mama sa kabilang bahay. So ‘yun po, talagang busy rin,” katwiran niya.

Pero ayon kay Coco, madalas raw silang magka-text ni Julia.

“May ganu’n po?” natatawa niyang pahayag.

Eh, kumusta naman ang personal life niya?

“Okay naman po. Masasabi ko naman na tahimik, masaya and blessed na blessed ako sa lahat ng bagay.”

Eh, ang puso niya?

Kayo po, ha?” tila nahihiya niyang sabi.

Ano ba ang reaksyon niya kapag iniisip ng marami na may relasyon na talaga sila ni Coco.

Huwag po nating madaliin. Relax lang po tayo. Nakaka-pressure ang mga tanong n’yo, grabe,” sey niya na natatawa.

Pareho din ba sila ng panuntunan ngayon ni Coco na work, work, work muna?

Opo, kasi lalo po ngayon, ang hirap, especially sa part ko na kambal, ang hirap, baka mamaya, maligaw, ma-destruct, so mahirap po, baka mapabayaan ko ‘yung dalawang karakter.”

Si Coco rin ba ang nagpapakilig sa kanya ngayon?

Natawa na naman si Julia sabay sabing “kayo, ha? Ang hirap ng mga tanong n’yo.”

Samantala, mas gusto ni Julia ngayon ang sitwasyo na wala siyang permanenteng ka-love team.

Masasabi ko lang po, ang swerte ko. Tulad ngayon, may sarili akong ka-love team, ang kakambal ko which is ako pa rin. So, wala po akong masyadong iniisip, wala akong masyadong pressure.

“And mas siguro, mas nae-explore ko ‘yung mga katrabaho dahil marami akong nakaka-partner, lalo na sa show na ito, na per character, may mga ka-partner,” sambit pa niya.