• Home
  • Fresh Scoops
  • Karylle, Yael Yuzon, and Frank Magalona collaborate for Gilas official song

Karylle, Yael Yuzon, and Frank Magalona collaborate for Gilas official song

Karylle talks about collaborating for a Gilas theme song and about mom Zsa Zsa Padilla.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/2/2016 10:58 AM
Karylle, Yael Yuzon, and Frank Magalona collaborate for Gilas official song


080216-karylle_main.jpgNagkaroon ng collaboration sina Karylle, ang kanyang asawa na si Yael Yuzon na member ng SpongeCola, at si Frank Magalona para mabuo ang inspiring na kantang “Sabay Tayo” na magiging official song ng Gilas Pilipinas at ng mga delegate ng ating bansa sa Rio Olympics. Patriotism ang tema ng kanta na mas magpapainit ng inspirasyon sa ating mga atleta at mga kababayan natin na suportahan ang mga iyo.

"Hopefully ma-perform namin yung ‘Sabay Tayo.’ Siyempre sinusuportahan namin lahat ng Guilas Athletes at Olympians sa Rio Olympics so gagawa kami ng ilan performance kasama si Frank Magalona kasi syempre gusto namin ma=feel na sinusuportahan namin sila."

Kinukulit pa rin ng mga tanong si Karylle kung kailan siya magkaka-baby na sanay na niyang sagutin. "Marami ng mga buntis ngayon marami ang naghahanap ng mga buntis gusto nila mabuntis na ako pero mga next year na kasi medyo marami ako gagawin."

Nagbigay update din si Karylle sa kanyang mommy na si Zsa Zsa Padilla na ngayon ay nagpapahinga kasama ang kanyang mga kapatid sa ibang bansa. "Marami naman nakakaalam na yung family namin nasa abroad yung mga kapatid nya nandoon. After a soap, marami naman talaga mga artista ang nagpapahinga and she deserves to go on vacation," pagtatapos ni Karylle.