History of Kathniel love team to be focus of new commercial

The origins of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla’s love team will be the theme of their new commercials.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/2/2016 11:07 AM
History of Kathniel love team to be focus of new commercial


080216-kathniel_main.jpgPerfect pair na matatawag sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o ang Kathniel. Isa rin sila sa maituturing na pinakasikat na love team sa bansa ngayon. Nitong mga nagdaang araw, ipinakikita na rin ng dalawa ang pagiging sweet nila on and off-cam.

Bilang bagong celebrity ambassadors ng San Marino Corned Tuna, magkakaroon ng pagkakataon ang lahat na malaman sa pamamagitan ng kanilang TV commercial kung paano nagsimula ang lahat sa kanila.

Sabi nga ni Daniel, marami na silang nagawang ads na dalawa, pero ang I Found My True Love in San Marino Corned Tuna ad lang ang makakapagpakita kung paano sila nagkakilala at ang mga naging adventures nila bilang isang love team.

Ayon naman kay Kathryn na excited sa ginawang TVC, “May 15 seconds kasi na pinakita ’yung meeting namin hanggang sa paano kami…”

Mas vocal naman si Daniel tungkol sa kanilang bagong TVC. “Happy na naman ako kasi, kasama ko si Kathryn dito kaya kumpletung-kumpleto,” wika pa niya.

“Kilig ang commercial,” hirit ulit ni Kathryn.

Dugtong naman ni Daniel na nakangiti, “Kilig, pero napaka-natural.”

Hindi na nga sikreto na ang KathNiel love team on-screen ay mas nag-grow na. Pero ’yung love na meron sila, naging real life na rin ba? Have they found true love in each other?

“Maybe,” ang natawang sagot ni Daniel.

Sey naman ni Kathryn, “Siya na lang ang tanungin n’yo d’yan. Maybe!” sabay tawa niya.

Ayon pa kay Daniel, ang pagdi-date nila ay higit na sa getting-to-know stage na ngayon. It is already in the “dating comfortably” stage.

Masayang-masaya ang dalawa na sila ang bagong ambassadors ng San Marino Corned Tuna.

“It’s a blessing, sobrang bait din ng mga may-ari,” saad ni Daniel.

Naniniwala naman si Kathryn sa sarap at healthy benefits na makukuha sa San Marino Corned Tuna na good for the heart, less oil, more tuna. Mayaman sa Omega 3 at DHA at good for the heart and brain.

“Actually, noong una ko pa lang natikman ang San Marino Corned Tuna, nagulat ako kasi, ang sarap!... and ever since, I like it with crackers. Tapos, healthy pa,” sabi pa niya.

Samantala, ngayong taon, ibang KathNiel ang mapapanood ng mga tao sa kanilang bagong pelikula na kinunan pa sa Barcelona, ang Barcelona A Love Untold, at walang dudang isa na naman itong box-office hit. Pero anumang success na meron daw sila ngayon ay dahil na rin sa suporta ng kanilang fans.

“’Yung fans namin, mga KathNiel, ’yun ang malupit. ’Yun ang mga record-breaker talaga,” pahayag pa ni Daniel.