• Home
  • Fresh Scoops
  • Yeng Constantino reveals emotional side for ‘Ako si Josephine’ musical

Yeng Constantino reveals emotional side for ‘Ako si Josephine’ musical

Yeng Constantino says her musical was a dream she did not expect would come true.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/19/2016 9:42 AM
Yeng Constantino reveals emotional side for ‘Ako si Josephine’ musical


081916-yeng_main.jpgBahagi ng ika sampung taon ni Yeng Constantino sa showbiz industry, isang original Pinoy musical na Ako si Josephine ang mapapanood at binuo ng PETA kung saan maririnig ang mga kantang likha ni Yeng. Emotional si Yeng habang nagsasalita sa interview kung gaano siya ka-proud sa proyektong ito na nasa isip na niya noon pa pero di niya akalain na matutupad.

"Three years ago, naitanong ko sa sarili ko kung deserve ko na magkaroon ng ganito klase ng proyekto na matatawag na mga awitin ko na lalagyan ng magandang story at kakantahin ng magagaling na theater performers. Wow! Totoo pala mangyayari pala talaga!"

Malaking pasasalamat din ni Yeng sa mga nag audition na theater actors para maging parte ng kanyang stage musical.

"Thank you sa lahat ng nag-audition karamihan sa inyo mas matagal pa sa akin sa industry at isang malaking karangalan sa akin na kantahin nyo at magawan ng acting ang aking mga awitin."

Mapapanood ng September at October ang Ako si Josephine the musical sa PETA theater sa Quezon City at ngayon pa lang, ipinagmamalaki na ni Yeng ang narating ng kanyang mga obrang awitin.

"Ngayon pa lang po proud na proud ako sa kung ano man na kalalabasan nitong sinisimulan namin" pagtatapos ni Yeng.