• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda on Pokemon Go: ‘Ang hirap mamili kung ano ang isa-sacrifice mo kung Pokemon Go o shopping

Vice Ganda on Pokemon Go: ‘Ang hirap mamili kung ano ang isa-sacrifice mo kung Pokemon Go o shopping

Vice Ganda joins the Pokemon Go craze

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/19/2016 10:49 AM
Vice Ganda on Pokemon Go: ‘Ang hirap mamili kung ano ang isa-sacrifice mo kung Pokemon Go o shopping


081916-ViceGanda_main.jpgSa ulat sa TV Patrol, marami ng celebrities ang nahuhumaling sa online game na Pokemon Go. Kasama na rito ang It’s Showtime host na si Vice Ganda. Ani Vice, “Kasi lahat naglalaro, lahat ng kasama ko naglalaro nakukulele na ang utak ko. Pag tapos na ang trabaho ko umiikot talaga ako sa kalsada yung mabagal ang sasakyan, sasabihin ko, ‘o hinto ka muna dito kasi may lure dito.’”

Dagdag pa ni Vice, “level 9 na ako meron na akong more than 100 Pokemon.”

Ganunpamaman, nahihirapan diumano si Vice gawin ang ilang activities dahil sa game na ito. “ang hirap mamili kung ano ang isa-sacrifice mo kung Pokemon Go o shopping. Parang love or career hindi mo alam kung ano ang ibibigay mo.”

Humaling rin sa game ang Hashtag members Tom at Jameson. Payo ni Jameson sa mga naglalaro ng Pokemon Go, “I always bring a powerbank, advisable to all Pokemon players.”