• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla bares opinion on alleged list of celebrities involved in illegal drugs

Robin Padilla bares opinion on alleged list of celebrities involved in illegal drugs

The actor says users of illegal drugs are victims too.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/19/2016 3:30 PM
Robin Padilla bares opinion on alleged list of celebrities involved in illegal drugs


081916-RobinPadilla_main.jpgSa launching ng magkapatid na Rommel at Robin Padilla para sa Bravo Food Supplement for men, nagbigay opinyon si Robin tungkol sa mainit na usapin ngayon sa showbiz industry ang listahan ng mga personalidad na may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot.

Hawak na daw ng Duterte administration ang nasabing listahan at handa na daw sila na ihayag ito sa publiko.

May pakiusap si Robin tungkol sa paghahayag ng kontrobersyal na listahan.

"Wala po masamang tinapay ang mahal na Pangulo sa atin, nagbibigay po siya ng serbisyo sa atin. Ang ginagawa po nya ay para sa bansa po ito para sa atin. Ang pwede natin ipakiusap sa showbiz world kay Presidente ay yun po mga pangalan ng artista ay wag muna ilabas," sabi ng aktor.

Dagdag pa ni Robin na makakatulong kung magkakaroon ng paguusap sa pagitan ng mga personalidad at ng pamahalaan.

"Sana magkaroon muna ng dialogue ang mga artista at mga manager sa iba’t ibang ahensya sapagkat ang artista po ay mga tax payers din sila at sumusunod din sa batas kung ano man ang kanilang kakulangan at pagkakamali sana po ay mapag usapan."

Nilinaw din ni Robin ang kanyang panig sa issue na ang mga biktima lang ang kanyang ipinagtatanggol at hindi ang source ng ipinagbabawal na gamot.

"Hindi po ako nagsasalita para sa mga pusher, wala po kayong lugar, pero po ang mga user sana po mabigyan sila ng puwang dahil sila ay biktima din," pagtatapos ni Robin.