• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Macmac says his movie with Vice Ganda is a dream come true

EXCLUSIVE: Macmac says his movie with Vice Ganda is a dream come true

Macmac also says there is no competition between Onyok and himself

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/18/2016 9:19 AM
EXCLUSIVE: Macmac says his movie with Vice Ganda is a dream come true


081816-awra_main.jpgNakita na rin finally ni Macmac ang iniidolong si Vice Ganda sa ginanap na storycon para sa pelikula ng Star Cinema na posibleng maging entry sa Metro Manila Film Festival sa December. Pero higit ang naramdamang saya ni Macmac dahil makakasama pa niya si Vice sa pelikula.

“Sobrang saya ko po dahil gagawa pa kami ng pelikula,” ang tila hindi makapaniwalang reaksyon ni Macmac o Mcneal Briguela sa totoong buhay.

Ipinagpasalamat din niya nang husto ang ginagawang panggaya noon ni Vice sa pag-aura-aura niya na lalong nagpasikat sa kanya.

“Masaya po ako kasi dahil sa kanya, kumakalat din yung aura,” sabi ng bata.

Magkasama sina Macmac at Onyok sa Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Itinuturing ba niyang karibal si Onyok?

“Hindi!” diretso niyang sagot.

“Ano lang, turing ko sa kanya kapatid kasi parehas naman kami. Wala pong kompetisyon saka ayoko rin ng ganun. Kasi parehas din naman kami na binibigay namin yung best namin,” paliwanag pa niya.

Eh, sino bang mas magaling sa kanila ni Onyok na umarte?

“Parehas lang,” katwiran niya. “Kasi merong kakayahan si Onyok na hindi ko kaya. Meron din naman akong kakayanan na hindi niya kaya. Hindi kaya ni Onyok yung pag-aura ko.

“Pero meron din akong hindi kayang gawin na ginagawa ni Onyok tulad nu’ng pagngiti niya. Yung mga lines niya, yung mga punchline kasi iba yung punchline niya kesa punchline ko,” pagdidiin pa ni Macmac.

Ngayon ay Grade 7 na si Macmac sa isang public school sa Las Pinas. Ano ba ang reaksyon ng classmates niya ngayong sikat na siya.

“Natatawa lang ako kasi pag botohan, kahit yung nagiging kalaban ko bumoboto rin sa akin. Yung sikat, hindi naman. Kasi ang iniisip ko lang palagi, ano lang ako, eh. Hindi ko iniisip na sikat ako. Ang iniisip ko lang, tao pa rin ako na kagaya nila, na nagtatrabaho lang,” katwiran niya.

Ayon pa kay Macmac, kahit marami na ang nagpapa-picture sa kanya ngayon ay hindi naman siya naiinis. “Okey lang po yon. Masaya ako pag ganu’n,” sey pa ni Macmac.