• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Cholo Barretto says he does not get involved in his aunts' issues with one another

EXCLUSIVE: Cholo Barretto says he does not get involved in his aunts' issues with one another

Cholo Barretto also says he does not want to ask for his aunt Claudine’s help to get projects.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/18/2016 9:13 AM
EXCLUSIVE: Cholo Barretto says he does not get involved in his aunts' issues with one another


081816-cholo_main.jpgPinasok na rin ni Cholo Barretto ang pagpoprodyus ng pelikula. Kasama siya bilang part ng creative team sa N2 Productions nina Neil Arce at Boy2 Quizon na nakipag-coproduce sa Viva ng pelikulang Camp Sawi. Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Arci Munoz, Bela Padilla, Kim Molina, Andi Eigenmann, at Sam Milby at palabas sa August 24.

Eh, bakit nga ba niya pinasok ang pagpoprodyus? Hindi ba niya nami-miss ang pag-arte?

“Don na rin naman po kasi papunta, eh. Siyempre, hahanap ka ng ibang bagay na magagawa habang walang pelikula,” simulang pahayag ni Cholo sa Push.com.ph.

“Yung pag-arte, siyempre nami-miss ko po. Ngayon nga po wala akong ginagawa, eh. Nami-miss ko talaga. Lalo na po yung indie. Medyo naging busy rin po dito (pagpoprodyus), eh, kasi ang daming inaasikaso,” patuloy pa niya.

May mga nagawa din naman daw siyang pelkula at paminsan-minsan ay umaarte pa rin.

“Umaarte pa rin naman ako. Bago itong Camp Sawi, ginawa ko yung Magtanggol, yung Elemento tapos nu’ng MMFF 2015 napasama ako sa Nilalang. Puro pelikula nga po, eh.

“Gusto ko rin pong gumawa ng teleserye, ng romcom, pero wala namang tawag, eh. Wala ring offer,” sey pa niya.

Hindi ba niya hinihingi ang tulong ng tiyahin niyang si Claudine Barretto pagdating sa paghahanap ng trabaho?

“Ayoko po ng ganu’n, eh. Maayos naman po ako ngayon… Ayokong ganu’n ang direksyon ng karera ko na humihingi ng pabor sa kanya. At saka hindi rin siya ganu’n.

“Magpaparinig yon kung gusto niya, pero ano, eh, ayaw namin ng ganun. Okey naman kami pareho. Kanya-kanyang diskarte.

“Kasi gusto niya rin siguro na maiangat ko ang sarili ko bilang ako. Ako rin naman, nahihiya rin ako na aangat ako dahil sa mga… di ba? Pangit naman po yon. At saka, iba rin naman ang direksyon namin.

Hindi naman daw siya disappointed sa takbo ng kanyang career.

“Hindi naman disappointed kasi okey naman, eh. Kasi sa isang taon nakaka-apat o limang pelikula naman ako. Yon nga lang, wala lang TV. Sa ABS-CBN yung Berks pa dati ang huling TV show ko. Yon na rin yung first and last ko,” kuwento pa ni Cholo.

Eh, kumusta naman ba ang relasyon nina Claudine at Gretchen?

“Hindi ko po alam, eh. Hindi ko alam yung sistema nilang magkakapatid. May sarili po kaming henerasyon, eh. So hindi kami puwedeng makialam sa mga away ng magkakapatid, sa matatanda. Disrespectful po yon, eh.”

Close ba silang magpipinsan?

“Lahat po kaming mga magpipinsan close po kami. Hindi po namin pinag-uusapan yung tungkol sa mga tita namin,” sabi pa ni Cholo na umaming meron ding small role sa Camp Sawi.