• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Molina thankful to ‘Rak of Aegis’ for career opportunities

Kim Molina thankful to ‘Rak of Aegis’ for career opportunities

After starting out in theater, Kim Molina is happy about the mainstream projects coming her way.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/17/2016 9:32 AM
Kim Molina thankful to ‘Rak of Aegis’ for career opportunities


081716-kimmolina_main.jpgIsa si Kim Molina sa lead stars ng inaabangang pelikula na Camp Sawi ng Viva Communications. Sa mga di pamilyar sa kanyang pangalan, una siyang nakilala sa mundo ng teatro at nag marka sa kanyang role sa hit PETA musical na Rak Of Aegis. Ngayon, nakikipag sabayan na si Kim sa mga eksena kasama sina Andi Eigenmann, Arci Munoz, Bela Padilla at Yassi Pressman.

Kuwento ni Kim, mukha lang silang mga babae pero lahat sila ay cowboy ang personalidad kaya sila nagkasundo.

"Kung nakikita nyo sa poster namin para kaming maaarte hindi po! Lahat po kami mga kalog at nagkasundo kami lahat. Ito ang first movie ko na ganito ang role"

Ayaw sabihin ni Kim kung sino sa kanyang Camp Sawi co-stars ang naging pinaka malapit sa kanya.

"Hindi showbiz ang sagot ko lahat po sila naka close ko noong shooting po namin. Nasa isang lugar lang kami ilang days din kami doon, masaya ang bonding namin."

Hanggang ngayon, pinagpapasalamat ni Kim ang magagandang breaks niya ngayon dahil sa stage musical na Rak Of Aegis.

"Grabe po! After Rak Of Aegis sobrang dami ng magagandang nangyari sa akin. Thankful ako sa Rak kasi with Rak Of Aegis parang naging joke namin na naging audition namin oara mag open ang doors sa iba pang opporunities sa career."

Ipapalabas na ang Camp Sawi sa August 24.