• Home
  • Fresh Scoops
  • Vhong Navarro takes iconic role in ‘Mang Kepweng Returns’

Vhong Navarro takes iconic role in ‘Mang Kepweng Returns’

Vhong Navarro says he and his fellow It’s Showtime hosts support each other’s projects.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/16/2016 9:46 AM
Vhong Navarro takes iconic role in ‘Mang Kepweng Returns’


081616-VhongNavarro_main.jpgSa first shooting day ng bagong pelikula ni Vhong Navarro, masayang-masaya ang It’s Showtime host sa pagkakapili sa kanya ng isang bagong grupo ng producers na CINEKO Productions para gamapanan ang muling pagbabalik pelikula ng iconic role ni Chiquito na si Mang Kepweng.

Aminado si Vhong na malaking paghahanda ang kanyang ginagawa para magampanan ng tama ang role.

"Sobrang proud at dahil isa ako sa napili. At talagang pinanuod at hinahanap namin ang mga original films para mapag-aralan. Siyempre kailangan din natin pag-aralan at mag adapt sa pag-papatawa para sa henerasyon natin ngayon. Siyempre ikaw ang bago dahil andon ang tatak ng original."

Bukod kay Vhong, ilan din sa mga kasama niya sa It’s Showtime ang posibleng gumawa din ng pelikula at nag lalayon na ma pabilang sa listahan ng mga pelikula sa MMFF2016. Pag-lilinaw din ni Vhong full support ang bawat isa tuwing may mga parating at bago silang mga proyekto.

"Sa Showtime, hindi namin pinag-uusapan. Para sa amin kasi trabaho lang ‘to. Ang importante kasi ang ending nito magkakaibigan tayo at yung samahan sa araw-araw dun tayo nakikilala ng mga tao na talagang close tayo sa isa't isa."

Aminado si Vhong na hanggang sa ngayon kinabahan pa rin siya dahil sa mga posibleng makakasabayan niya kung papalarin silang makapasok bilang official entry sa MMFF ngayong darating na pasko.

"Siyempre hindi mawawala ang kaba sa akin dahil kasabay natin sila Bossing Vic, Vice-Coco at iba pa. Basta ang Mang Kepweng Returns ay suspense and comedy. At siyempre natutuwa ako kasi lagi din ako natatapat sa ganitong klaseng pelikula."

20 million pesos ang isusugal na budget para sa Mang Kepweng Returns at balitang gaya ng original movie series, balak din i-remake ng producers ang iba pang kuwento ni Mang Kepweng.