• Home
  • Fresh Scoops
  • Sandara Park reveals who she is going to be like as a judge of ‘Pinoy Boyband Superstar’

Sandara Park reveals who she is going to be like as a judge of ‘Pinoy Boyband Superstar’

Sandara Park is one of the judges of upcoming reality show ‘Pinoy Boyband Superstar’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/16/2016 9:00 AM
Sandara Park reveals who she is going to be like as a judge of ‘Pinoy Boyband Superstar’


081616-sandara_main.jpgSa TMI segment ng Tonight with Boy Abunda, kompirmado na si Sandara Park ang isa sa mga judges ng upcoming reality show na Pinoy Boyband Superstar. Ani Sandara, “Excited ako na magiging judge ako sa isang reality show sa Philippines kasi diyan din nagsimula ang pangarap ko. Sobrang special niya sa akin.”

Ano naman kaya ang hinahanap ni Sandara sa mga boyband contenders? “Kailangan nila yung something special na wala sa ibang guys, and I’m looking for a group of guys who sound great and who look great. I think it’s important they know how to support each other and make good chemistry kasi nga di ba boyband.”

Nang tanungin naman tungkol sa kanyang judging style, gustong gayahin ni Sandy ang isa sa mga naging judges na humubog sa kanya sa Star Circle Quest. “Nung tinanong ako what kind of judge I’ll be, naisip ko magiging katulad din kaya ako ni Tito Boy (Abunda)? Kasi kapag naaalala ko dati yung mga sinabi niya sa akin, masakit pero kung iisipin ko ngayon they were lessons I needed to learn. So parang gusto ko rin maging someone who can help them to make their dreams come true.”