Kris Aquino graces opening of Ka Tunying’s Café

Kris Aquino begs off from answering questions about various issues.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/16/2016 9:36 AM
Kris Aquino graces opening of Ka Tunying’s Café


081616-TUnying1_main.jpg

Kris Aquino With Roselle Taberna

Ikinatuwa ng mag-asawang Anthony at Roselle Taberna ang pagdating ng Queen of all Media na si Kris Aquino sa opening ng Timog branch ng Ka Tunying’s Cafe. Hindi daw maganda ang pakiramdam ni Kris pero pinilit niya makarating.

"Naka bed rest ako ng limang araw pero tumayo talaga ako for the love of the couple for Tunying and Roselle."

Todo iwas naman si Kris sa mga katanungan tungkol sa mga issues na pinasasagot sa kanya. Maayos naman siyang nakiusap sa showbiz press. "Pasensiya na. ‘Wag nyo ako tanungin ng anything kasi apat ang gamot na iniinom ko baka kung ano ang masabi ko nakaapat ako gamot hindi ko maalala mga sinasabi ko."

Bukod kay Kris, dumating rin ang news personalities mula sa magkakaibang network sa pagbubukas ng Ka Tunying’s Cafe. Ito na ang second branch ng business ng mag asawang Anthony at Roselle Taberna na sinimulan nila isang taon na ang nakakaraan.

081616-TUnying_main.jpg

Anthony Taberna with wife Roselle at the opening of Ka Tunying's Cafe

Kuwento ni Ka Tunying na malaki ang pasasalamat nila sa mainit na pagtanggap sa kanilang negosyo. "Kinakabahan at excited pero mas positibo kami kung paano kami pinagpala ng Panginoon sa unang branch. Optimistic kami na ganoon din ang mangyayari sa second branch," sabi pa ni Ka Tunying.