• Home
  • Fresh Scoops
  • Garie Concepcion says dad Gabby Concepcion wants to meet her boyfriend Michael Pangilinan

Garie Concepcion says dad Gabby Concepcion wants to meet her boyfriend Michael Pangilinan

Michael Pangilinan and Garie Concepcion share details about their relationship.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/14/2016 9:28 AM
Garie Concepcion says dad Gabby Concepcion wants to meet her boyfriend Michael Pangilinan


081416-MichaelGarie_main.jpgEight months na nagligawan at four months ng magka-relasyon sina Michael Pangilinan at Garie Concepcion. First time silang nakita magkasama sa Make Your Nanay Proud event ng Great Image at pumayag na magpa-interview ang dalawa tungkol sa kanilang relationship.

Kuwento ni Michael na tanggap ni Garie ang lahat sa kanya, kasama na dyan ang kanyang love child at ang naging scandal noon ni Michael na pinag-usapan sa social media.

"Alam niya po lahat and tanggap niya yun kaya mas naging okey na okey po kami," sabi ni Michael.

Para naman kay Garie, naipakilala na niya si Michael sa kanyang ina na si Grace Ibuna at naghihintay ng magandang pagkakataon para maipakilala ng personal sa kanyang ama na si Gabby Concepcion.

"Kilala na siya ni mommy at magkasundo po sila, si daddy nasabi ko na and asking siya kung kailan nya makikilala si Michael."

Bihira ang relationships na parehong showbiz personalities ang nagtatagal dahil madalas ay nai-intriga kaagad at affected ang parehong parties sa relasyon, pero sa ngayon, mukhang nagwo-work ang relasyon nina Michael at Garie dahil masaya sila at sinusuportahan nila ang isa’t isa.