• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Hashtags’ Luke Conde admits he had hesitations about his first movie role

EXCLUSIVE: Hashtags’ Luke Conde admits he had hesitations about his first movie role

Luke Conde also weighs in on fellow Hashtags member Nikko Natividad’s admission that he already has a kid.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/14/2016 9:22 AM
EXCLUSIVE: Hashtags’ Luke Conde admits he had hesitations about his first movie role


081416-LukeConde_main.jpgMay pelikula na rin si Luke Conde ng Hashtags. Ginampanan niya sa pelikulang That Thing Called Tanga Na ang role ng isang straight guy na may asawa’t anak pero nakarelasyon ng isang parloristang gay played by Martin Escudero.

Ayon kay Luke, hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang role at wala siyang naging hesitation dito.

“Ang medyo naging concern ko lang po nu’ng una, nu’ng binigay yung script ay yung mga scenes lang, pero yung sa character wala naman po akong questions. Kasi meron lang pong konting image na pinoprotektahan kasi part akong noontime show (It’s Showtime), so medyo yon lang.

“Pero nu’ng pinakita sa akin at nabasa ko, wholesome naman yung role, wholesome yung movie, medyo may konting kiliti lang, pero other than that, sobrang ganda nu’ng movie at nu’ng role ko,” kuwento ni Luke sa Push.com.ph.

Dagdag pa ng binata, “Minsan kasi, iniisip ng tao na kabaklaan lang yang pelikulang yan, pero pag pinanood mo you will learn something.”

Kinuha na rin ng Push ang reaksyon ni Luke tungkol sa pagpasok nina McCoy de Leon at Nikko Natividad bilang celebrity housemante ng Pinoy Big Brother na obviously ay nakadagdag ng popularity sa dalawa.

“Kami naman po nu’ng time na nalaman po namin yon, since bonded na po kami as brothers, so kung ano po yung marating ng isa, full support lang po kami do’n. Kung nabigyan man po ng chance si Nikko at si McCoy na makapasok ng PBB, sobrang saya po namin for them.

“Nire-remind din namin sila na i-treasure at i-cherish din nila yung moment na nabigay sa kanila at ‘wag din nilang pabayaan kasi isa sila sa masusuwerteng tao na nabigyan ng ganung klaseng opportunity,” sey ni Luke.

Twice din palang nag-audition noon sa PBB si Luke pero hindi siya masuwerteng nakapasok.

“Yes, nag-audition din po ako dati, twice po sa regular edition, pero yon nga, hindi siguro para sa akin yon,” reaskyon niya.

Sa PBB lang nalaman ng publiko na may anak na si Nikko dahil itinago niya ito. Sa palagay ba niya walang magiging negative effect ang pag-amin ni Nikko sa career nito?

“Siguro, kanya-kanyang take po yan, eh. Ako po, honestly, kami po ng mga members ng Hashtags nu’ng lumabas po yon lahat kami nag-check ng mga feedbacks sa internet, eh. And siguro, kung may negative man na comment mga 10 percent lang yon.

“Mas nakita ng tao yung paninindigan ni Nikko nung ginawa niya yon, eh. Nag-gain po niya yung respect ng mga tao. Sobrang saya din po namin para sa kanya dahil sobra siyang nakahinga nang maluwag,” katwiran pa ni Luke.

Kung sa kanya ba nangyari yon, itatago rin ba niya ang anak para maprotektahan ang career at image?

“Siguro kung same sa situation ni Nikko, itatago ko muna tapos saka ako hahanap ng perfect time para aminin. Sa case kasi niya wala rin namang nagtanong pero dahil may nagtanong do’n din lang siya nagsalita,” rason pa ni Luke.