• Home
  • Fresh Scoops
  • Chavit Singson supports holding Miss Universe pageant in the Philippines

Chavit Singson supports holding Miss Universe pageant in the Philippines

Chavit Singson says he’s looking for sponsors for the Miss Universe pageant.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/14/2016 9:25 AM
Chavit Singson supports holding Miss Universe pageant in the Philippines


081416-ChavitSingson_main.jpgSa isang dinner party na inihanda ni former governor Luis “Chavit” Singson para kanyang malalapit na kaibigan, nilinaw niya ang naging usap-usapan na matunog na balitang pag-pondo daw niya para sa pagdaos ng Miss Universe pageant sa Pilipinas.

Sa ngayon, nasa 80 percent na daw ang chances na dito isagawa ang Miss U sa Pinas. Aniya, "Guidance lang ako ng mga NGO at ako lamang po ang humahanap ng mga sponsor pero hindi po ako ang sponsor ng Miss universe."

Aminado si former Governor Chavit na magandang opportunidad para sa ekonomiya ng bansa ang pagdaraos ng Miss Universe sa Pilipinas. "Before election palang marami ng nilapitan ang Miss Universe kaso walang tumatanggap dahil sa twelve million dollars ang gastos diyan. Nung ako na kinausap, nakita ko maganda ang effect nito sa tourism natin dahil pag maraming turista maraming opportunidad para sa Pilipinas."

Dagdag pa ng Former Governor na sumang-ayon din si President Rodrigo Duterte sa kanyang pag suporta sa planong pagdaraos ng Miss Universe pageant sa bansa. "All out din naman Ang support ng ating President Duterte, although sabi niya basta walang gastos ang gobyerno okay siya."

Sa ngayon puspusan parin ang dating Governor sa pangagalap ng tulong sa private sector upang maisakatuparan ng maganda at maayos ang pagdaraos ng Miss Universe pageant sa Pilipinas.