MMFF opens logo design and theme song writing competition

Bahagi ng maraming pagbabago sa 2016 Metro Manila Film Festival ang paglulunsad ng logo design at Theme Song making conpetition.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/13/2016 11:30 PM
MMFF opens logo design and theme song writing competition


081316-MMFF_MAIN.jpgBahagi ng maraming pagbabago sa 2016 Metro Manila Film Festival ang paglulunsad ng logo design at Theme Song making conpetition. 

Para sa logo design contest, hanggang dalawang  design ang pwede gawin ng bawat isang artist. Nagbigay ng criteria ang Executive Committee : 40% concept; 30% originality; 30% relevance. Bahagi ng magiging premyo ng winning logo ay 20 thousand pesos in cash.

Para naman sa theme song writing contest, hanggang tatlong entries naman ang pwede i submit ng bawat composer, pwede na english o filipino ang language na gamitin at may mga criteria na : 30% musicality; 30% lyrics; 30% originality; 10% impact. 50 thousand pesos ang makukuha ng winning composer sa contest na ito.

Para sa full mechanics at kung paano mag send ng entries, maari pumunta sa www.mmff.com.ph at ang mapipiling winners sa parehong contest ay malalaman sa September12.

Samantala, sinisimulan na ang production ng possible entries para sa 2016 MMFF gaya ng Enteng Kabisote; Mano Po 7; an action movie with Anne Curtis; Comedy Action movie with Vice Ganda and Coco Martin; Mang Kepweng starring Vhong Navarro at marami pang iba.