• Home
  • Fresh Scoops
  • Man of the Year candidate Karan Singhdole dedicates award to his father who has brain cancer

Man of the Year candidate Karan Singhdole dedicates award to his father who has brain cancer

Man of the Year candidate Karan Singhdole hopes to be the Filipino winner of the male pageant.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/13/2016 9:28 AM
Man of the Year candidate Karan Singhdole dedicates award to his father who has brain cancer


081316-ManOfTheYear_up.jpgExcited at ready na ang Half-Pinoy, Half-Indian Man of the year Philippines 2016 candidate na si Karan Singhdole para sa kanyang pag-alis sa darating na Sabado patungong Indonesia. Lalaban si Karan bilang pambato ng Pilipinas sa darating na Man of the Year international. Dala ni Karan ang pangarap para masungkit ang karangalan bilang First Filipino International Man of the Year 2016.

Aminado si Karan na dahil sa kanyang lahi at pag kakaiba sa kapwa Pilipino minsan siyang naging biktima ng Pang-bubully "before when I was in high school I was bullied because I'm Indian and they were Filipino. Hindi kami nagkaka parehas ng itsura pero those people who bullied me ngayon sila na yung mga sumusuporta at nag push sa akin sumali sa male pageants and they became my friends."

Bukod sa pagbibigay karangalan sa bansa, nais din ialay ni Karan ang kanyang laban para sa kanyang Ama na may sakit. "I dedicate this for my Daddy kasi he has brain cancer pero he's okay na ngayon. Pero sinabi niya sa akin na pag-husayan ko daw kaya para sa kanya ang laban ko."

Aniya, kasama ng kanyang pangarap na karangalan ay ang isang munting rosaryo na magsisilbing lucky charm na kanyang bibitbitin sa kanyang laban sa Indonesia. "Pupunta po muna ako ng Quiapo at Baclaran para bumili ng Rosary at dadalhin ko po sa laban ko sa Indonesia," pagtatapos niya.