• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Kean Cipriano doesn’t mind doing another gay role

EXCLUSIVE: Kean Cipriano doesn’t mind doing another gay role

Kean Cirpriano says he’ll accept any role as long as they’re good ones.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/12/2016 10:29 AM
EXCLUSIVE: Kean Cipriano doesn’t mind doing another gay role


081216-kean_main.jpgVery successful ang ginanap na premiere showing ng That Thing Called Tanga Na ng Regal Films sa SM Megamall Cinema 7 nu’ng Tuesday night, August 9, na palabas na ngayon sa mga sinehan. Present ang cast ng pelikula tulad nina Eric Quizon, Billy Crawford (with Coleen Gacia), Mart Escudero (with model GF) at Kean Cipriano (with wife Chynna Ortaleza).

Ayon kay Kean nang makausap namin siya after the preview, masaya siya sa kinalabasan ng pelikula at ng role niya bilang isang bading na fashion designer na iniwanan ng nakarelasyong dyowa dahil nag-asawa na ito ng babae.

“Happy naman ako kasi ginayd (guide) naman ako all the way ni Direk Joel (Lamangan). Saka yung mga kasama ko dito, magagaling din, mga sira ulo rin. Kumbaga, proud naman ako… proud ako,” reaksyon ni Kean after watching the film.

Tatanggap pa ba ulit siya ng gay roles in the future?

“As long as the project is good and as long as the project is something na gusto ko, okey lang sa akin,” sabi niya sa Push.com.ph.

Patuloy pa niya, “Yon nga, eh, I’m pretty blessed to have a career na I get to choose my project. Kasi itong showbiz, yung acting world, films, TV, parang ano ‘to, eh, invitations sa akin ‘to ng mundo, eh.

“Kasi galing ako sa mundo ng musika, di ba? At yon pa rin yung number one priority ko. Pag tinatanong nga ako, music ba o acting, music siyempre. Pero kumbaga, yung acting, mahal ko na rin siya na hindi ko siya kayang talikuran so pinipili ko din naman yung mga projects na ginagawa ko at nagdedepende ako sa materyal lagi – sa script at kung sinong kasama ko rin.”

Excited ding ibinalita sa amin ng singer-actor na nagsusyuting na sila ng Ang Babae Sa Septic Tank 2 na possible entry sa 2016 Metro Manila Film Festival ng Quantum Films.

Eh, kumusta naman ang syuting?

“Ang sarap. Ang saya. It makes me more proud of myself as an actor lalo na nu’ng nagsimula na kaming magsyut ng Babae Sa Septic Tank. Kasi sabi ko, ‘Ay putcha, unang pelikula ko ‘to tapos gagawin ko ulit siya after six years?’ Di ba, parang it’s nice to be part of a franchise na… ang galing kasi naging franchise na pala yung pelikula.

“Yung Babae Sa Septic Tank nakakatuwa lang kasi ang sarap i-revisit nu’ng mundo na ginawa namin dati, tapos ang galing lang kasi yung mga buhay namin ngayon nag-evolve na siya to something na close do’n sa nangyayari sa pelikula.

“Si Uge, (Eugene Domingo) ang tagal din niyang hindi gumawa ng pelikula, so comeback din niya talaga ito. And yung pelikula namin, ang galing kasi ako, yung role ko don bilang director, totoong director na rin ako ngayon, nagdidirek na ako ng music video, short films, ganyan.

“So, noon na wala akong kaalam-alam sa paggawa ng pelikula, sa pagiging actor, ngayon naman ang dami kong na-norture na knowledge, experience sa mundo ng filmmaking kaya ang sarap niyang gawin kasi mas may alam na ako,” masayang kuwento pa ni Kean sa Push.com.ph.