• Home
  • Fresh Scoops
  • Councilor Hero Bautista is not yet confirmed positive in drug test

Councilor Hero Bautista is not yet confirmed positive in drug test

Herbert Bautista spokesperson says the QC councilor is prematurely judged on social media.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/12/2016 1:02 AM
Councilor Hero Bautista is not yet confirmed positive in drug test


081116-HeroBautista_PUSH.jpgSa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, kalat na diumano sa social at print media ang balita na nag-positibo sa drug test si Councilor Hero Bautista. Si Hero ay kapatid ni Quezon City Mayor Herbert Bautista at dating actress na si Harlene Bautista.

Ayon naman sa Quezon City Administrator at tagapagsalita ni Herbert na si Aldrin Cuna, naunahan daw si Hero ng panghuhusga. “It’s unfortunate na malikot mag-isip ang social media. There’s no confirmation yet.”

Ayon pa kay Cuna, nasasaktan si Herbert sa nangyayaring ito. “He is preparing for his participation in the peace panel. Siyempre, nasasaktan din siya for all the people that are working with him. He is the father of the city but he is taking it well naman.”

Bawal rin pangalanan ni Vice-Mayor Joy Belmonte kung sino ang opisyal ng gobyerno na nagpositibo sa droga. Batay daw ito sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, ngunit aminado siya na meron nga.

Tumanggi naman magpa-interview si Hero at sinabi nito na kaklaruhin niya ang lahat sa kanyang privilege speech sa Konseho sa Lunes, August 15.