• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Dizon faces Timothy Tan’s alleged mistress for the first time in court

Sunshine Dizon faces Timothy Tan’s alleged mistress for the first time in court

Sunshine Dizon vowed not to make a scene with Clarisma Sison.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

8/10/2016 8:07 PM
Sunshine Dizon faces Timothy Tan’s alleged mistress for the first time in court


081016-Sunshine_main.jpgMatapos makaharap ni Sunshine Dizon ang kanyang estranged husband na si Timothy Tan at ang hinihinalang mistress niya na si Clarisma ‘Clarissa’ Sison sa Quezon City Regional Trial Court ngayong araw ay emosyonal niyang sinagot ang mga tanong ng ABS-CBN News at iba pang mga taga press.

Nang tanungin kung anong naramdaman niya nang makita ang dalawa, ang sagot niya ay, “Bilang tao, masakit, nanay ako eh nasaktan ang mga anak ko. My daughter was just reminding me on my way here saying ‘Mama, be careful.’ I'm getting emotional because of the pain that they caused my children.

“[Hindi na ito tungkol sa akin] kasi kaya ko naman. Pero iyong sakit na dinaanan ng mga anak ko, iyan ang walang kapatawaran,” dagdag pa niya.

Nangako naman ang dating child actress na hindi siya gagawa ng eksena dahil sa ginawa ni Clarisma.

But if she is thinking that I will do something here, to make an eksena or whatever, no, I will not do that. She's too low and I will not dignify her with anything. Baka ibang tao nasampal siya pero ako,hindi ko padadapuin ‘yung kamay ko dahil baka madumihan.”

Hindi pa masasagot sa ngayon ni Sunshine kung may settlement na magaganap sa pagitan niya at partido nina Timothy at Clarisma ngunit bukas siya sa posibilidad na magkaroon ng visitation rights ang dating asawa sa mga anak nila.

"He will always be the father of my children but forgiveness? That is something I don't know pa. Diyos na lang ang bahala sa kanya.” Sinampahan sila ni Sunshine ng kasong violation of the Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 pati na rin ng concubinage. Samantala, magpapasa pa lamang sina Timothy ng counter-affidavit dahil sa "developments between the two parties.”