• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Chynna Ortaleza says she and Kean Cipriano are not hiding their baby

EXCLUSIVE: Chynna Ortaleza says she and Kean Cipriano are not hiding their baby

The actress also explains why she and Kean are rarely seen together in showbiz gatherings.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/10/2016 6:34 PM
EXCLUSIVE: Chynna Ortaleza says she and Kean Cipriano are not hiding their baby


081016-ceprianos2_main.jpgBihirang makitang magkasama sa mga showbiz events ang couple na sina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza pero sa premiere showing ng That Thing Called Tanga Na ay kasama ni Kean ang misis.

Masayang ikinuwento ni Chynna sa PUSH.com.ph na proud siya sa pagkaka-portray ni Kean sa role niya sa pelikula.

In fairness sa asawa ko, ha, proud ako sa kanya kasi sobrang excited siya nu’ng time na gagawin pa lang niya itong pelikula. Ito kasi yung (gay role) na parang mas loud. So, nakakatuwa lang, sobrang proud ako sa kanya,” komento ni Chynna sa acting ng asawa.

Eh, bakit nga ba madalang silang makita na magkasama sa mga showbiz gatherings? Nagtatago ba talaga silang magpakita sa public?

“Lumalabas naman kami pero hindi sa showbiz events. Eto, nagkataon kasi na parang, eksakto kasi ako puwede na akong lumabas kasi, kumbaga, nag-adjust na rin yung katawan ko and puwede ko ng iwan yung baby namin at puwede nang ipa-babysit namin sa mommy ko at sa yaya niya.

“Buti nga nagka-yaya nakami, oh, my God. Kasi sobrang hirap. Actually, hands on pa rin naman kami ngayon pero malaking tulong yung nagkaroon siya ng yaya saka dahil 3 months na, mas stable na,” kuwento pa ni Chynna.

Eh, kelan ba talaga nila balak ipakita ang daughter na si Stellar sa social media?

“Alam mo, nilalabas namin siya, hindi lang namin siya nilalabas sa social media. Yon lang naman. Feeling ko kasi, gusto ko siya (Kean) yung mag-upload ng picture niya, hindi ako.

“Ini-enjoy lang din talaga namin yung baby, tapos eventually, hindi mo rin naman maitatago yon, di ba? At saka nilalabas talaga namin siya sa public placesgigs, mall, everywhere. People see her. Ganyan talaga yan, private kasi talaga siya. Musikero yan more than artista, eh,” katwiran pa niya.

Kumusta ba naman ang maging isang mommy?

“Iba siya. I feel bad na iniiwan siya kahit sa yaya. Lahat sa kanya kinombine – saya, hirap, fulfillment, adjustment. Basta, sabi ko nga kay Kean, ‘ah, okey alam ko na yung pakiramdam ng pagiging selfless.

“Ngayon ko lang siya naramdaman. Yung totoong ibig sabihin ng selflessness, ngayon ko lang siya naramdaman, nu’ng naging mom ako. Pure talaga.

And sobrang thankful ako kasi nabigyan pa ako ng chance (na magka-baby). Lagi akong nagpapasalamat kasi feeling ko talaga dati, hindi na ako magiging mommy kasi ilang taon na ako, 33 na ako. So feeling ko, wala talaga atang chance maging mom,” sey ni Chynna about her worries noon.

Eh, ano naman ang feeling niya na may asawang sikat na rocker na hinahabol ng mga chicks?

“Ayos! Okay naman kasi in-embrace ko siya 100 percent. Actually, kinikilig ako pag may tumitiling mga babae sa kanya. Feeling ko, pogi din naman ng asawa ko,” natatawa niyang pagtatapos.