• Home
  • Fresh Scoops
  • Rosanna Roces is the one who proposed marriage to girlfriend Blessy Arias

Rosanna Roces is the one who proposed marriage to girlfriend Blessy Arias

Rosanna Roces shares she knows her ‘forever’ is with her high school love.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/1/2016 4:58 PM
Rosanna Roces is the one who proposed marriage to girlfriend Blessy Arias


080116-RosannaRoces1_PUSH.jpgSa Rated K, pinakilala ni Rosanna Roces ang kanyang mapapangasawa na isa ring babae – si Blessy Arias.

Fifteen years old si Osang at 19 years old si Blessy nang una silang magkakilala. Noong una ay hindi type ni Osang si Blessy pero di naglaon nagkagusto na rin siya dito kahit noong una ay ayaw niyang pumatol sa kapwa babae.

Ani Osang kung bakit siya nagkagusto kay Blessy, “Because of the tenderness, because of the feeling na hindi ka iiwan. Kumapit ako dun.”

Hindi nagtagal nagplano sila na magkaroon ng sariling pamilya kaya naman si Osang ay naghanap sa barkada niya ng magiging ama ng kanilang magiging anak. Nagbuntis nga siya sa panganay na si Grace pero ito rin ang dahilan kung bakit iniwan siya ni Blessy.

Sa isip raw kasi ni Blessy ay, “Baka gusto na niya yung a different kind of relationship. kumbaga, yung norm. May tatay, may nanay yung magigisnan ng baby. 

Nagtrabaho bilang bunny waitress sa isang restobar sa Makati si Osang para maitaguyod si Grace. Nagtrabaho rin siya sa Dubai.

Nagkahiwalay na ng tuluyan ang landas ni Blessy at ni Osang lalo na nang napunta na sa showbiz si Osang.

Lumipas ang maraming taon at matapos maghiwalay si Osang at ang ex-husband niya na si Tito Molina, wala raw si Osang naging seryosong boyfriend. Hanggang sa magkita uli sila ni Blessy after 27 years. 

Nagkabalikan nga ang dalawa pero pinahirapan muna ni Osang si Blessy sa pang-iiwan nito sa kanya noon 

Pero si Osang diumano ang nag-propose ng kasal kay Blessy. “Bless, I want to marry you. Nag-yes siya agad,” lahad ng aktres.  

Sa December 10 gaganapin ang simpleng ceremony ng pag-iisa nila, pero bago yun ikakasal sila ngayong August sa Canada, kung saan pinapayagan ang same sex marriage.