• Home
  • Fresh Scoops
  • Mahal shares details of her married life with husband Jobbie Hebrio.

EXCLUSIVE: Mahal is happy with her married life

Mahal shares details of her married life with husband Jobbie Hebrio.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/09/2016 09:18 AM
EXCLUSIVE: Mahal is happy with her married life

070916-Mahal.jpgMasaya ang komedyanang si Mahal sa buhay niya bilang misis ni Jobbie Palmones Hebrio. Ginanap ang civil wedding ng dalawa noong November 2 sa Quezon City.

Ayon kay Mahal nang maka-chat namin siya sa Facebook, happy siya sa piling ni Jobbie at hindi pa naman daw sila nag-aaway ng kanyang mister.

“Masaya ako sa pagiging misis,” message sa amin ni Mahal nang tanungin naming kung kumusta na siya ngayon.


Malambing din daw ang asawa niyang si Jobbie at palagi siyang sinusorpresa. Madalas din daw itong magyaya ng swimming nu’ng summer.

“Lagi kaming nagsu-swimming. Sumasayaw din kami tapos ina-upload namin sa Facebook. Dancer ang asawa ko, eh,” pagmamalaki pa niya.

Ipinagmalaki rin sa amin ni Mahal na umabot na ng halos 40,000 likes ang dance video na in-upload niya kasama ang asawang si Jobbie habang sumasayaw sila ng “Bomba.”

“Salamat sa nag-likes. Ang dami na. Nakakatuwa. Sana like pa sila nang like,” reaksyon pa niya.

Tinanong na rin namin si Mahal kung hindi ba siya nalulungkot na hindi siya puwedeng magkaroon ng anak.

Sabi niya, “Okey lang kahit walang anak. Hindi naman puwede talaga kahit noong bata pa. Ganun talaga. Tanggap ko naman.”

Eh, okey din lang ba sa mister niya na hindi niya ito mabibigyan ng anak?

“Hindi yon naghahanap. Okey lang yon sa kanya,” message pa niya sa amin.

Napansin namin sa Facebook account ni Jobbie (Jb Hebrio) na hindi si Mahal kundi isang magandang babae ang kanyang profile pic. Ayon sa kanyang post, alam daw ni Mahal ang tungkol dito.

Ang babae raw na naka-save sa profile pic niya sa FB ay winner ng pakontes niya sa Facebook. Ayon din kay Mahal, alam niya ang ginawa ng asawa at hindi siya apektado nito.

Pero nang binalikan naming ang profile pic ni Jb, napansin naming na wala na ang magandang babae naka-save. Picture na lang niya na parang nasa ibang bansa ang nakalagay.

Samantala, bumalik sa pag-aaral si Mahal. Ayon sa kanya, naka-enrol siya ngayon sa ALS (Alternative Learning Sysem) ng DepEd dahil gusto niyang matapos ang kanyang high school.


Main photo credit to Mahal FB Account