• Home
  • Fresh Scoops
  • Bela Padilla reveals they still have one more shooting day with Yassi Pressman for their indie movie.

EXCLUSIVE: Bela Padilla reacts to Yassi Pressman joining PBB

Bela Padilla reveals they still have one more shooting day with Yassi Pressman for their indie movie.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/09/2016 09:27 AM
EXCLUSIVE: Bela Padilla reacts to Yassi Pressman joining PBB

070916-BelaPadilla.jpgMasaya si Bela Padilla na after Ang Probinsyano series sa ABS-CBN ay nakagawa naman siya ng indie movie para sa 12th Cinemalaya Independent Film Festival. Bida si Bela sa pelikulang I America na idinirek ni Ivan Payawal.

“Technically, parang first time full length independent film ko to. May ginawa na akong indie with Direk Joel Lamangan, yung Tomodachi pero yung feel niya, medyo mainstream kaya parang ito yung first (indie),” kuwento ni Bela sa Push.com.ph

Natutuwa rin ang aktres na kahit kina-categorize siyang mainstream actress for TV and film nabigyan siya ng chance na gumawa ng pelikula for Cinemalaya.


“Gaganahan kang gumawa ng movies kasi alam mo yon, ‘Ah puwede na pala kaming gumawa ng indies, kino-consider na rin pala kami. Nakakagana siyang magtrabaho.

“Iba yung thrill kapag napanood mo yung product ng one whole movie. Iba din naman yung thrill na napapanood mo everyday (sa TV) yung sinyut n’yo ng 24 hours the day before.

“Tapos positive yung feeling in a way na parang walang prejudice I guess kung TV actor ka o movie actor, it’s nice that we’re all blended together,” paliwanag niya.

Ginagampanan ni Bela ang character ni Erica na isang half-Pinay, half-American na gustung-gustong makarating sa Amerika para hanapin ang kanyang identity. Paano ba niya pinaghandaan ang role?

“Hindi masyado, hindi ako nag-over think kasi very relatable yung character ko dito as Erika, tao lang… Hindi siya yung kailangan mo talagang mag-prepare ng grabe.

“Mas nag-worry ako don sa language, yung lalim nung Tagalog tapos very barok mag-English. Malakas magmura, yung language talaga ang inisip ko so mas yon yung inaral ko,” sabi pa niya.

Ayon pa kay Bela, “Si Erika kasi, ang pangarap lang niya talaga sa buhay makapunta ng Amerika, yon lang talaga yung goal niya kaya ang title din is I America. Gusto niya lang talagang magka-visa, goal niya yon in life.”

Samantala, ikinagulat naman ni Bela ang biglang pagpasok sa Pinoy Big Brother ni Yassi Pressman na kasama niya sa pelikulang Camp Sawi.

“Sabi niya may retreat daw siya, yon pala papasok na ng PBB. Eh, may isang shooting day pa kami kaya hindi namin alam kung paano,” gulat niyang reaksyon.

Pero happy naman daw siya para kay Yassi.

“I’m happy for her. It’s nice na isa siya sa mga nakapasok. Sobrang bait ni Yassi, genuine na tao, so magiging magaling na role model siya,” pagtatapos ni Bela.