Halatang nahihiya pa si Jimuel ng lapitan ng showbiz media para sa interview. Nai-share ni Jimuel na wala siyang special treatment sa school at madalas binabati ng classmates niya dahil sa billboards nila sa EDSA. "I feel blessed that I was chosen to once again endorse. At first ako kasi ang may ayaw pero na-convince nila ako. Nakaka-flatter po. My friends they always tease me."
Sa tanong kung diretso na ba sa pag-aartista ang career ni Jimuel, pag-aaral daw muna ang haharapin nya sa ngayon. "Right now, I don’t know yet. I’m still a student and my priority is studying."
May mga hinahangaan na rin ang 15 years old na si Jimuel at isa dito si Julia Barretto na gusto nya makilala at maging kaibigan. "I want to be friends with her, yes."
Busog din sa pangaral at bilin ang parents ni Jimuel sa kanya. "It’s my first time. I’m always the shy type. They always tell me to always be myself. They always tell me to set good example to other people," sabi pa ni Jimuel.