• Home
  • Fresh Scoops
  • Who are the 9 housemates of Pinoy Big Brother Lucky Season 7?

Who are the 9 housemates of Pinoy Big Brother Lucky Season 7?

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/7/2016 9:26 AM
Who are the 9 housemates of Pinoy Big Brother Lucky Season 7?


070716-pbb_main.jpgSa ulat ni MJ Felipe para sa TV Patrol, nakarating na sa wakas ng Ho Chi Minh, Vietnam sina Pinoy Big Brother Lucky Season 7 housemates JK Labajo, Jinri Park, at Hideo Muraoka. Noong July 5 dapat ang lipad nila papuntang Vietnam pero na-hold sila sa immigration dahil sa mga problema sa papeles. Si JK ay isang actor-singer, si Jinri naman ay isang “full Korean” at si Hideo ay isang Brazilian-Japanese o BraPanese. 

Makakasama nila sa loob ng bahay ni Kuya sina Elisse Joson, isang teen star na kailan lang ay nakilala sa TV commercial ng isang fast food chain; Nonong, isang komedyante na sumikat sa Funny One segment ng It’s Showtime; at DJ Cha-Cha na isang radio DJ sa MOR 101.9.

Nauna na ring pumunta ng Vietnam ang iba pang housemates na sina Yassi Pressman, at Mccoy at Nikko ng Hashtags.

Ito ang siyam na housemates na bubuo sa PBB Lucky Season 7.