EXCLUSIVE: Jon Lucas doesn’t mind waiting for his big break

Jon Lucas is just waiting for his time to really shine

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/07/2016 10:32 AM
EXCLUSIVE: Jon Lucas doesn’t mind waiting for his big break
070716-jon1_main.jpgPuro support lang ang Hashtags member na si Jon Lucas sa mga pelikulang ginagawa niya. Maliliit lang ang exposure pero masaya naman daw siya kahit ganun ang nangyayari sa career niya.

Si Jon ang alter-ego ng character ni Enchong Dee sa pelikulang I Love You To Death na showing na ngayon. Sa TV naman, pinakamalaking break na niya ang maging support sa teleserye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa ABS-CBN na Got To Believe.

Hindi ba siya naiinip sa takbo ng kanyang career?

“Magti-three years pa lang naman po ako sa showbiz kaya parang okey din lang. Saka wala naman po akong magagawa kung ayaw pa po ng management kaya hintay-hintay lang muna po.

“Siguro po sa tingin nila hindi pa ako ready o hind pa hinog kaya ganu’n. Handa naman po akong maghintay. Lagi ko naman pong ginagawa yung maghintay lalo na sa showbiz, napakadami po talagang puwede mong makalaban dito, matindi po ang kompetisyon kaya yon po, hintay-hintay lang din,” mahabang paliwanag ni Jon sa PUSH.com.ph.

Isa si Jon sa miyembro ng grupong Hashtags binuo ng It’s Showtime. Sa palagay ba niya makakatulong ang pagiging miyembro niya ng Hashtags para makausad kahit papaano ang kanyang career?

”Ay opo, sobrang laki po kasi araw-araw po akong napapanood sa Showtime. Iba po kasi pag noontime show, eh. At saka parang pinu-push din po talaga kami ng Showtime, sa album po, endorsements.

“Nung naging Hashtags po ako nadagdagan yung mga raket ko. Wala po kasi akong ginagawang teleserye kaya malaking tulong yung mga raket ko kasama ang Hashtags,” kuwento pa niya.

Hiningi na rin naming ang reaksyon niya sa sinasabi ng marami na sina Ronnie Alonte, McCoy de Leon at Zeus Collins ang pinakasikat sa grupo.

Ayon sa binata, “Wala naman po akong pakialam sa mga kasikatan-kasikatan nay an. Basta ako, ginagawa ko lang po yung trabaho ko.

“Kung mas sikat po sila, ayun po yung nagustuhan ng tao, eh, so wala po akong masasabi don. Basta ako po nagtatrabaho ako nang maayos.”

Hindi ba nakakatulong sa kanya na merong silang healthy competition sa Hashtags para i-push pa niya ang sarili?

“Nakakatulong naman po pero kahit ano naman pong best ang gawin ko, kung hindi naman po ako mapapansin, hindi po talaga ako mapapansin. Siguro hintayin ko na lang po yung time ko na ako naman yung mapansin.

“Baka kaya po sila yung napapansin kasi oras po nila ngayon. So, hintayin ko na lang yung sa akin kasi ginagawa ko naman yung best ko lagi. Eh, wala naman, hindi ako napapansin, so baka hindi pa talaga (time),” he said.

Idinagdag pa ni Jon na willing naman siyang gawin kahit anong role pa ang ibigay sa kanya.

 “Gagawin ko po lahat, drama, kahit ano po,” sey pa ng gwapong binata.