Celebrities react to Dick Israel’s plight

Celebrities pitch in to help Dick Israel.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/07/2016 10:26 AM
Celebrities react to Dick Israel’s plight
070716-dick_main.jpgIba’t-ibang reaksyon at pagtulong ang natanggap ng veteran actor na si Dick Israel mula ng mapabalita na kasama siya at ang kanyng pamilya sa mga naging biktima ng sunog sa Caloocan City noong Sabado, July 2. Kasalukuyan pang nagpapagaling sa stroke si Dick na kilala rin sa tawag na "Tatz" ng kanyang mga kaibigan at nakatrabaho.

Para kay Isay Alvarez, kailangan magkaroon ng seminar ang mga personalidad at movie at TV production workers ng tamang paraan ng pag-iimpok. "Magkaroon ng pagtuturo kung paano ka mag-iimpok. Sa akin kasi natural yun eh bata pa ako, nakikita ko nanay ko na mayroon kami kanya kanyang libreta. Ever since I started working, I set aside something for the rainy day."

Ang matagal ng problema ng pagsasaayos ng mga benepisyo ng mga artista ang kailangan pagtuunan ng pansin at maging solusyon ayon naman kay Nonie Buencamino. "Kailangan talaga ayusin natin ang mga pension ng samahan ng performers. Tapos siguro naka built in na there’s a portion ng ating sweldo na itatabi natin."

Pahayag naman ni John Arcilla, maging lesson na para sa lahat na magtabi ng earnings para sa panahon ng pangangailangan. "Reminder din siya sa lahat ng mga artista na hindi laging tag-araw. You know that we have to save some habang tayo eh kumikita."

Malaki ang naitutulong ng social media groups ng mga artista para magparating ng tulong. Ito ang nagiging paraan ni Sylvia Sanchez para makakuha ng updates. "Yung grupo ng mga artista… mayroon kami ganun grupo nagkakausap doon na tulungan kami. Kami mismo lalo na ang mga active na mga artista, sila talaga ang nanghihingi ng tulong."

Ganito rin naman ang reaksyon ni Ricky Davao "Mayroon kami viber group, we are talking about this. Nagtatanungan kung paano at saan magpapadala ng tulong, kung paano, nasaan siya at ano ang pwede namin gawin. Ang maganda rito natetest din ang samahan ng mga artista."

Sa ngayon pansamantalang nakatira sa isang hotel sa Quezon City si Dick at ang kanyang pamilya. Sa tulong nina Edu Manzano, Vivian Velez at Nadia Montenegro na nagiging tulay para makarating ng tulong sa veteran actor.