Ilan lang sila sa season 7 PBB housemates na makakatikim ng unang out of the country experience. Ayon kay Direk Laurenti Dyogi, napili nila ang bansang Vietnam dahil, “Gusto rin natin ng isang lugar na meron tayong koneksyon. Kahit nung sa history natin merong relationhip ang Vietnam (sa Pilipinas)…. There were Vietnamese refugees who went to Palawan and Bataan, so meron tayong ganung relasyon sa kanila. Marami tayong similarities sa prutas, sa temperatura…”
Unang nakabisita sa bahay ni Kuya sa Vietnam ang host na si Robi Domingo. Nauna na rin ang ilang housemates kahapon, July 5 at susunod naman sina JK ngayon July 6, dahil naayos na ang mga kulang nilang papeles.