• Home
  • Fresh Scoops
  • Janice de Belen admits she wouldn’t know what to do on a date.

EXCLUSIVE: Janice de Belen says she’s no longer looking for a love life

Janice de Belen admits she wouldn’t know what to do on a date.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/06/2016 10:18 AM
EXCLUSIVE: Janice de Belen says she’s no longer looking for a love life
070616-janice_main.jpgHindi na hinahanap-hanap ni Janice de Belen ang magkaroon ng love life. Pero hindi raw yon nangangahulugan na hindi siya inspired.

“Lagi naman akong inspired. I think it has nothing to do with love. Feeling ko I’m a person full of love naman in general. Relationship lang ang wala ako,” sabi agad ni Janice sa PUSH.com.ph.

Meron ba siyang mga manliligaw ngayon?

“Eh, saan naman nila ako hahanapin. Di naman ako nalabas ng bahay pag wala akong trabaho. Alam mo sobra kong naa-appreciate ang bahay, sobra talaga. At saka ang dami ko kasing ginagawa kapag nasa bahay ako.

“Kasi feeling ko, nenerbyusin din ako, eh, (kapag nakipag-date). Ano pa ba ang ginagawa sa dating? Hindi ko na alam… I don’t know what goes on in a date. Weird.

"Kaya tuwing may nagsasabi sa akin, ‘O Janice mag-date ka na.’ Eh, paano ba gagawin yon, kasi nga hindi ko na alam, eh. Ang tagal-tagal na nu’ng huli akong nakipag-date,” paliwanag ng aktres.

Decided na ba siyang maging single forever o umaasa pa rin siyang magkaka-love life?

“Hindi ko talaga alam, eh. You know, there is no definite answer to that kasi baka ngayon okey lang sa akin na wala. Baka next week iba na ang pakiramdam ko. So you can’t tell, eh.

“As far as I’m concerned, I’m sure na hindi ko na gustong mag-asawa. Yon sure ako, ayoko ng mag-asawa. Siguro, kaya din ganito ako kasi at the moment selfish ako.

“I’m selfish sa point na I don’t want to account for my time. I don’t like to wait on another person anymore. Ayoko na ng ganu’n, eh. Hindi ko na kaya yung ganu’n, eh.

“I’ve been independent for so long. I’ve always been independent. I’ve always been financially independent. Hindi ako needy na person or yung ‘O, I need a date, I need a kasama.’ Hindi ako ganu’n, eh.

“Hindi na rin naman ako bagets na bubuo pa ng pamilya, di ba? So, siyempre, there are so many things to…  you know, ang sarap na idea na ma-in love, pero wala na, eh,” she said.

Pero kinikilig pa rin ba siya?

“Oo naman. Don sa pinapanood kong Korean darama. Kagaya nitong nasa wall paper ko. I love him,” sabay pakita ng picture ni Song Joong Ki.

“Saka hindi ako nahihiya. Ipinagmamayabang ko siya, hindi ako nahihiya. Si Song Joong Ki, I love him. I love him talaga. So feeling ko, sa ganitong paraan positive pa rin kasi ibig sabihin non hindi pa ako jaded, natutuwa pa rin ako,” kinikilig niyang pahayag.

Samantala, kapapanalo lang ni Janice ng best actress sa World Premieres Film Festival para sa pelikulang Ringgo: The Dog-Shooter.