• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim ready for his sexy dance with Dawn Chang for his concert

Xian Lim ready for his sexy dance with Dawn Chang for his concert

Xian Lim says he’s also expecting bashers to criticize his singing after his concert.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/5/2016 9:50 AM
Xian Lim ready for his sexy dance with Dawn Chang for his concert


070516-xian_main.jpgBukod sa pagsu-showcase ni Xian Lim ng kanyang talent sa pagkanta at pagtugtog ng musical instruments, inaabangan din ng audience ng A Date With Xian concert niya on July 9 sa Kia Theater ang seksing production number niya kasama ang guest na si Dawn Chang.

“Makikita nila ang pinaghirapan kong… huwag naman katawan,” natatawa niyang reaksyon.

Patuloy niya, “Nahihiya kasi akong sabihing sexy kasi baka pag sinabi ko na sexy prod ito pero pag pinanood naman nila parang hindi naman sexy.

“Pero just expect na yung dance naming ni Dawn… sabi ko nga, ‘Dawn, ikaw na ang bahala sa akin dito,’ Nung nagre-rehearse kami, sabi ko sige, hirapan pa natin ng konti yung sayaw para naman makita nila na talagang hindi ito yung ginagawa ko,” kuwento ni Xian.

So, mag-iinit ba ang loob ng Kia Theater sa kanyang gagawin?

“Huwag namang sobrang init sana. Hahaha! Baka magliyab ang Kia,” humahalakhak niyang reaksyon.

“Hindi kaya nasobrahan na sila sa mga ipinakita ko sa The Story Of Us (topless)? Pero siyempre, iba rin yung TV at live performance,” dagdag pa niya.

Handa na ba siya sa sasabihin ng kanyang mga kritiko at bashers after his concert lalo na sa pagiging singer niya?

“Well, tanggap ko naman na I’m not the best singer out there, ang maibibigay ko lang talaga dito is I will be the best that I can be. Sa totoo lang, kahit sa pelikula, naalaa ko, ang daming… even up to now, hindi talaga sila nawawala, yung mga bashers and haters.

“Katulad nga ng lagi kong sinasabi, mas gusto ko pa nga na nandiyan sila, eh. Para alam ko what to work on kasi parang pag wala sila, kampante na lang ako. Mas maganda yung nakakarinig ka, maganda yung nasasaktan ka,” katwiran niya.

Natatandaan pa ni Xian ang worst criticism na natanggap niya na talagang naapektuhan siya.

“Unang lumabas sa isip ko yung sablay. Ang sakit ng sablay, eh. Kasi maraming… sa Engish kasi parang ‘Why him? What’s wrong with him, why did they pick him? Di ba?

“Pero yung tawagin kang sablay, masakit siya sobra. And ang dami kasing puwedeng meaning, eh. Mas tagos siya kasi Tagalog, eh. Usung-uso na kasi ngayon yung bashing lalo na sa social media dahil lahat  entitled magsalita.

“But it will only make us better, di ba? Sabi ko nga, huwag tayong maging kampante… okey lang yon sa totoo lang. Binabasa ko pa nga yung mga bashers, eh. Natutuwa nga ako . Pero masakit,” sabay kambyo niya.

“Natutuwa ako in a way na meron kang personal growth, pero masakit talaga,” hirit pa ng singer-actor.