• Home
  • Fresh Scoops
  • Despite already winning an international award for his role, Allen Dizon says he is not expecting to win in the WPFF.

EXCLUSIVE: Allen Dizon admits having a hard time doing ‘subtle acting’ in ‘Iadya Mo Kami’

Despite already winning an international award for his role, Allen Dizon says he is not expecting to win in the WPFF.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/05/2016 09:41 AM
EXCLUSIVE: Allen Dizon admits having a hard time doing ‘subtle acting’ in ‘Iadya Mo Kami’
070516-allen_main.jpgMarami nang nagawang indie films ang multi-awarded actor na si Allen Dizon pero kakaibang challenge daw para sa kanya ang gumanap ng role ng isang priest na may girlfriend at anak sa pelikulang Iadya Mo Kami (Deliver Us) ni Direk Mel Chionglo na entry sa ginaganap ngayong World Premieres Film Festival na matatapos sa July 10.

“Dito kasi sa Iadya, hindi kailangang loud ang acting ko. Kailangan subtle lang, subdued. Mahirap kasing iarte yung ganu’n, na nakikita lang sa mata, sa mukha.

“Dapat talaga makuha mo yung acting na hinihingi ni Direk Mel (Chionglo). Kasi mahirap yung wala kang sinasabi, para ka lang nag-i-emote.

“Yung mga kasamahan ko kasi sa movie, sina Diana (Zubiri), Aiko (Melendez), Direk Ricky Davao, Eddie Garcia, lahat sila maraming lines, pero ako madalas nagre-react lang ako at nakikinig,” simulang kuwento ni Allen sa PUSH.com.ph

Dagdag pa ng actor, “Ang challenge kasi dito is yung naninibago ako kasi ayaw nila akong masyadong paartehin na kamukha nung acting sa TV. Gusto nila more on reactions, maraming nuances na hindi ako nagsasalita.”

Nanalo na si Allen ng best actor sa 4th Silk Road Film Festival sa Ireland for Iadya Mo Kami, pero paano kung hindi siya manalo sa World Premeires?

“Depende kasi sa mga critics yan, depende rin sa jury kung paano nila ire-rate yung acting ko dito sa Iadya. Ang hirap kasi dahil baka iba ang gusto ng mga jury, eh, yung loud, maingay, acting na acting, so, hindi ko makukuha yung (award) sa World Premieres.

“Pero ako naman, wala namang problema sa akin. Hindi naman ako kinakabahan na manalo, matalo… lagi namang ganu’n, eh. In every game natural lang naman na may matatalo, may manalo. So pag natalo ka, tanggapin mo, di ba? Pero never akong sumama ang loob sa ganyan, never akong nag-expect,” katwiran pa niya.

Eh, ano ang reaksyon niya kapag may mga nagsasabi na natatakot silang makatapat ang kagaya niya sa best actor category?

“Siguro dahil sa mga achievements ko before sa Magkakabaung. Itong Iadya, nag-back-to-back (best actor) ako sa Ireland. Siguro iba’t iba, pero hindi ko naman iniisip na may advantage na ako kasi nanalo na ako, nasa jury pa rin yon, eh,” paliwanag niya.

Pagkatapos ng Iadya Mo Kami (Deliver Us), may dalawa pang pelikulang ginagawa ni Allen ngayon. Role ng isang bugaw ang ginagampanan niya sa pelikulang Area ni Ai-Ai delas Alas at isa namang illiterate na tatay sa Cinemalaya film na Lando at Bugoy.

“Actually halu-halo na yung pelikulang ginagawa ko, pero sa awa naman ng Diyos at sa tulong ng mga taong naniniwala sa akin nagagawa ko naman nang maayos ang trabaho ko sa pelikulang ginagawa ko, nabibigyan ko ng magandang buhay yung karakter ko sa bawat pelikula.

Ang role niya sa Lando at Bugoy ay unang in-offer kay Cesar Montano pero hindi na natuloy ang actor sa pelikula. Na-pressured ba siya?

“Siyempre nu’ng nalaman ko nung una, medyo pressured sa akin yon kasi Cesar Montano na yon, eh. Kumbaga, ako yung pumalit sa kanya, kaya nung ginawa ko yung Lando at Bugoy, naka-focus talaga ako sa pelikula.

“Nag-stay muna ako sa Camiguin ng mga two days bago ang shooting kasi kailangan ko rin talagang mag-immerse tapos kinausap ko ang director ko pati yung gumaganap na anak ko sa pelikula. Nagkaroon kami ng maraming pag-uusap before shooting kasi kailangan talagang seryosohin yung pelikula,” pagtatapos ni Allen.