Dick Israel loses home in fire, appeals for help

Dick Israel’s house, wheelchair burned

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

07/05/2016 09:37 AM
Dick Israel loses home in fire, appeals for help
070516-dick_main.jpgSa ulat sa Bandila, kumalat sa social media ang litrato ng 68 years old na aktor na si Dick Israel. Umaapela ng tulong ang aktor. Nakasama kasi ang bahay ni Dick sa 12 na bahay na nasunog sa Caloocan City nitong Sabado, July 2. 

Walang natira sa mga gamit nila Dick, at pati ang kanyang wheelchair ay natupok sa sunog.

Isa sa pinakamahusay na kontrabidang aktor si Dick sa kanyang henerasyon. Huli siyang nakitang lumabas sa telebisyon noong 2012 para sa teleseryeng  Kung Ako’y Iiwan Mo.

Nastroke siya tatlong taon na ang nakakalipas at meron din siyang sakit sa prostate.

Hirap na rin si Dick magsalita at ayon sa kanya tungkol sa pangyayari, “that’s life. Ganun talaga ang buhay.”

Nananawagan rin ang kanyang asawa na tulungan sila ng mga dating katrabaho ni Dick sa industriya. “Tulungan sana siya ganun, yung gamot niya… pinansyal o ano man…”

Sa ngayon wala pang matuluyan sila Dick at umaasa lamang sa tulong ng mga kapitbahay at kamag-anak nito.