• Home
  • Fresh Scoops
  • Boy Abunda insists he did not get special treatment from his university.

Boy Abunda shares inspiring educational journey

Boy Abunda insists he did not get special treatment from his university.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/05/2016 09:49 AM
Boy Abunda shares inspiring educational journey
070516-boy1_main.jpgBagong tagumpay ang narating ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang pag graduate bilang Doctor of Philosophy in Social Development sa Philippine Women’s University. Todo smile si Boy habang nagpapa interview sa media tungkol sa kanyang naging journey.

"Isang malaking karangalan ang makapagtapos po ng PHD in Social Development. Ang sarap ng pakiramdam, sabi ko nga paano ko ba narating ito? Saan ba ako nagumpisa? Kanina iniisip ko bakit ba ako nagpatuloy? That probably pushed me. And siguro dahil hindi ako nakapagbigay ng diploma na naiframe ng nanay o ng tatay sa aming bahay dahil isang malaking bagay yun para sa amin sa probinsya."

Naging mahirap ang lahat bago nakatapos si Boy dahil nagawa niyang mapag sabay ang pag aaral at hectic na schedule sa showbiz. Naibahagi ni Boy na walang special treatment na naganap sa kanya at sa PWU.

"Siguro pagpasok ko sa campus may mga students na nagpapa-picture pero pagpasok ko sa classroom wala, ako ay isang estudyante. Walang short cuts sa journey na ito. Nahirapan po ako hindi ako binigyan ng special treatment ng Philippine Women’s University, kanina andami naglalaro sa isip ko na sana nandito ang nanay, sana nandito ang tatay, ang kapatid ko pero nandito naman ang aking nga kaibigan, Bong is here marami ako kaibigan na dumating."

Dagdag pa ni Boy, gusto sana sumama ng kanyang kaibigang si Kris Aquino sa kanyang graduation pero pinigilan niya ito at pabiro ang kanyang naging sagot. "Ang sarap ng pakiramdam na today bago ako umalis ng bahay kausap ko si Kris Aquino sabi niya ‘I want to be there, Bimb wants to be there sa graduation mo.’ Sabi ko, ‘Kris, you have to wake up at 5 am to be at PICC by 7 am.’ Sabi niya ‘I’m jetlagging. I’m awake so I want to be there.’ Sabi ko, ‘’Wag na lang. Aasikasuhin pa kita.’ Ayoko ma upstage nya. (Laughs). Thank you Kris marami marami salamat," sabi pa ni Boy.